Chapter33: Lights on

4.7K 185 18
                                    



3rd person's POV



Itim...



Madilim....



Malamig........


Ganyan ang kalagayan ng paligid kung nasaan nanggagaling ang nag huhumiyaw na tinig.

Halata ang tindi ng galit nito sa boses  pa lamang. Para bang uhaw ito sa pagpaslang sa kanyang kaaway.

Paulit ulit..

Tila ba hindi  ito nauubusan ng lakas dahil sa ginagawang pag hiyaw.

"MAGBABAYAD KA LYKA!! ISA KANG HANGAL! WALA KANG KARAPATANG HAWAKAN ANG KAHIT NA DULONG DALIRI NI SERENITY! LALO NA ANG PAGTANGKAAN ANG BUHAY NIYA!!!! HINTAYIN MONG MAKALABAS AKO RITO AT PAHIHIRAPAN KITA NG TODO!!!! HIHILAHIN KITA PAPUNTANG IMPYERNO!!!!"

Umaalingawngaw ang boses  ni Serina sa buong paligid.

Ang mukha nito  ay nanggagalaiti sa galit na nadarama, napakatalim ng mata nito na para bang isang matalas na punyal na konting dampi mo lamang, ikaw ay masusugatan.

"Tatapusin ko na ang lahat. Magmamadali na kong  ubusin sila para di na nila pa mahawakan sa leeg si Serenity."

Nasabi na lamang nito bago mabuo ang isang nakakakilabot na ngisi sa kanyang labi, ngisi ng isang demonyo.

"HAHAHAHAHA! MAG SAYA LANG KAYO MGA HANGAL! MALAPIT NA KAYONG MAWALA DYAN SA IBABAW! MATITIKMAN NYO KUNG GAANO KAPAIT ANG MANIRAHAN SA IMPYERNO!!!!!"





























----------------------

Malalim na ang gabi. Tanging mga kuliglig lamang ang maririnig mong humuhuni. Mabibilang na lamang ang mga sasakyang dumadaan dahil lahat ay namamahinga na sa pagod buong araw.

Ate(Completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt