Nabigla ako ng higpitan pa lalo ni Cloud ang pagkakahawak nya sa akin habang nakatingin sa dalawang taong nakanganga pa rin sa mga kamay naming magkahawak. Hinayaan ko sila pero nagtaka ako ng makita kong napakuyom ang kamao ni Sydd habang si Daisee naman ay inis na inis na para bang tinitignan si Cloud na isang ulam na ikinainis ko.

"Ano bang kailangan nyo sa asawa ko?"

Napatikom ang aking bibig dahil sa tanong ni Cloud. Nabigla rin sina Sydd dahil sa tanong nito, pero paano naman ako hindi ba? Syempre, magtataka rin ako sa mga pinagsasabi ng isang 'to pero aaminin ko, kinikilig ako na parang ewan sa ginagawa nya. Pero of course, hindi ko sya gusto okay? Sabihin na nating—ewan.

"Wala akong kailangan sa asawa mo." Diniin ni Sydd ang salitang 'asawa' habang nakatiningin kay Cloud bago ngumisi sa akin na para bang nalolokong aso na naman sya. "Sya ang may kailangan sa akin."

I mentally slapped myself bago ngumiti kay Cloud na mukhang nagtaka sa sinabi ni Sydd. Tama nga naman ang sinabi ni Sydd, pero I'd never requested this dinner because he did. Atsaka isa pa, kahit tumanggi naman sya sa request ko ay okay lang sa akin dahil madami pang islang mas maganda pa sa isla nya na para sa akin ay nadungisan na nya ng kalandian nila. Hindi naman kawalan ang 'oo' nya kaya wala akong pake. Ang kapal talaga ng pagmumukha ng taong 'to kahit kailan.

"Hindi kita kailangan, ang isla mo ang kailangan ko." I fired back to just make him shut his mouth. Narinig ko ang paglunok nya na para bang nawalan na sya ng salita na ikinatawa ko. "Bakit? Did I just made you shut up? Huh? Mr. Sydd Saavera?"

Magsasalita pa sana ako ng maramdaman ko ang kamay ni Cloud sa hita ko na ikinalaki ng mata ko. Bumaling ako sakanya at nagtaka ako ng makita kong ngumisi sya bago ngumiti kay Sydd na nakatanga na naman sa kamay ni Cloud na halatang nakahawak sa aking hita. Siguro ay nabigla rin sya, pero hindi ba't asawa nga nya ako? I mean, fake lang kaya anong nakakabigla kung hawakan nya ako sa hita?

Pero shit lang, ang init ng kamay nya, nakakaloka sa aking perlas ng sinilangan, okay?

"Yun lang ba ang sasabihin mo, Mr. Saavera?" Mukhang naiinip na rin si Cloud dahil sa pagpapabebe ng dalawa kaya kinompronta nya ito bago nginisian muli. "May gagawin pa kasi kami ng asawa ko, ayokong iniistorbo kami."

"I-I actually just want to say... sorry."

Hihilain na sana ako ni Cloud patayo ng marinig ko ang sinabi ni Sydd na nakapagpatigil sa akin. Hindi ko alam pero bigla akong napabitaw ng marahas kay Cloud bago mabilis na umupo sa upuan ko. Nabigla rin sina Sydd sa ginawa ko sa 'asawa' ko but the hell I care.

Gusto kong marinig ang totoong nangyari lalo na't ngayon ay ayos na ako at wala nang nararamdaman.

"Sorry? For what?"

Hindi pinansin ni Sydd si Cloud na ngayon ay muling umupo at nakinig sa sasabihin ni Sydd at Daisee na tahimik pa ring nagpapabebe sa tabi nito.

"Tayong dalawa lang dapat ang nandito kung hindi ko lang talaga alam na may kasama ka, pero ayos lang. Gusto ko rin sanang marinig ng asawa mo 'yung ginawa ko sa'yo noong kagaguhan."

Kaming dalawa pero kasama nya si Daisee-nake? Gano'n ba ibig sabihin nya? I rolled my eyes in 360 bago malamig syang tinignan. "Just tell me what's your side story, pagod na pagod nako sa kasinungalingan kaya please lang, magpakatotoo ka naman kahit minsan."

Mukhang sang-ayon sya sa sinabi ko kaya nag-umpisa na sya sa pagsasalita pagkatapos nyang bumuga ng isang napaka-lalim na hininga.

Tama ba na makinig ako sakanya kahit alam ko na talaga ang katotohana sa simula't sapul? Hindi naman siguro masama makinig minsan sa mga kwentong barbero ngayon.

Captivated by her, Demonica.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon