Prologue

495 12 2
                                    

"Vivian.... let's break up" bulong na saad niya na siyang nakapag pawasak ng puso ko. Tahimik akong napaiyak.



agad akong umiling at hinawakan ang braso niya.


pero muli na naman akong napaluha sa ginawa niyang pagwaksi ng kamay kong nakahawak sa braso niya.


"I'm sorry..." walang buhay na saad niya at tinitigan ako gamit ang mga mata niyang walang emosyon.


walang tigil sa pagtulo ang aking luha habang sinasapo ko ang aking dibdib dahil sa matinding pagkirot nito, subrang sakit ng sinabi niya sa akin. Subrang sakit!


gusto ko mang magalit sa kanya sa oras na ito, gusto ko man siyang sumbatan at saktan pero hindi ko magawa. Hindi ko magawa kasi wala akong lakas dahil sadyang nakakapanghina ang sinabi niya sa akin.


Nahihibang na ba siya? pa paano niya nakayang makipaghiwalay sa akin kung gayon ay umabot kami ng isang taon at kalahati dahil sa pagmamahal namin sa isa't isa.


Masaya naman kami ah? wala naman akong natatandaang may nagawa akong mali noong mga nakaraang araw.


Pero bakit?


bakit niya naisipan na makipaghiwalay sa akin?


nangako kami sa isa't isa na walang bibitaw, na walang mang iiwan...


pero heto kami ngayon, sa gitna ng tahimik na park, nakaupo sa malamig na upuan na gawa sa semento. Siya na nakikipaghiwalay sa akin at ako na umiiyak dahil hindi matanggap ang pangyayari.


napahagulhol na lamang ako sa pag iyak ng maramdaman ko ang kamay niyang humahawak sa magkabilang braso ko.


"hindi ko sinasadyang masaktan ka, pero ito ang dapat at mabuting gawin ko, kaylang kong makipaghiwalay sayo..." mahinang paliwanag niya.


hindi ko mapigilan na humugot ng lakas at masampal siya.


"anong klasing rason yan Jarrix?!!! ginagawa mo ba akong tanga?!!!" malakas na sigaw ko sa kanya, wala akong paki kong may makapansin sa aming dalawa dito na ibang tao.


agad siyang yumuko sa ginawa ko.


napahagulhol ulit ako sa iyak.


ang saklap ng araw na ito para sa akin!


"bakit?...." mahinang tanong ko sa kanya.


agad ko naman naramdaman na mahigpit niya kong niyakap.


"ako ang may mali, ako ang dahilan ng lahat, hindi ko nagawang pigilan ang naramdaman ko sa kanya, hindi ko napigilan ang sarili kong mahalin siya"

doon na ako tuluyang nalugmok at nabasag.

kaya pala madali lang sakanya na makipaghiwalay sa akin dahil may mahal na siyang iba? kaya ba wala na kong maramdamang pagmamahal sa tuwing sinasabi niya sa aking mahal niya ko.

kaya pala.

agad akong humiwalay sa kanya at tumayo.

"salamat" malamig na saad ko at naglakad na palayo.


inaasahan ko nang pipigilan niya ko o di kaya ay hahabulin at sasabihing hindi niya kaya na bitawan ako pero wala. Wala akong narinig, wala akong naramdamang kamay na siyang pipigil sa akin.

Talagang pinaninidigan niya ang pagkakamali niya.


Masakit na masakit na iwan at saktan ng taong pinapahalagahan at minamahal mo ng lubos, subra ang pagtitiwala ko sa kanya. Akala ko siya na ang lalaking magpupuno sa akin ng pagmamahal na hindi kayang maibigay ng iba.


Pero nagkamali ako, at sa pagkakamali kong ito, dito ako natuto.














NA LAHAT NG LALAKI HINDI DAPAT SINISERYOSO, NA LAHAT NG LALAKI DAPAT NILULUKO, INIIWAN AT PINAPALUHA, PARA MARANASAN NILA KUNG ANO ANG NARANASAN KO.

-------------------------------------------------------------

hey guys another MarVoree story, plus bunos na JackVoree. sa lahat ng shippers jan sa MV at JV please do support this story guys thank you in advance :)

-Copperlingy

Fragments Of Forever [On Going]Where stories live. Discover now