Ch. 37: "Di mo man lang ako inintay!"

Start from the beginning
                                    

Nagkasya din sa wakas!

Sumakay na ako tas pinundot ko yung floor number nung condo unit ng tita ni Lawrence. 

Buti na lang ako lang mag-isa dito sa elevator :D Nakakahiya kasi. Anlaki nung dala ko.

'JELO'S POV

Napaangat yung ulo ko. Nakatingin kasi ako sa Ipod ko non. Nagssoundtrip ako.

Nagbukas na yung pintuan ng elevator.

0___0

Nakatitig lang ako dun sa mga tao sa elevator, andami kasi nila. Nagdadalwang isip ba ako kung sasakay ako.  

Tas napaisip pa ako kung bakit andaming tao dito sa building.

'YSABEL'S POV

Nagbukas na rin yung elevator. Yey! Naglakad na ako papunta sa condo ng tita ni Lawrence. 

May nakita ako'ng lalaki na nakatalikod sa harap nung katabing elevator.

Di sya napasok.  

Tas pinindot nya nalang yung close na button at dun sa sumakay sa sinakyan ko na elevator.

'JELO'S POV

Ano ba yun? Para ako'ng tanga na nakatayo don. Antagal ko'ng nagdalawang isip. 

Napansin ko kasi na bukas na rin pala yung kabila. Kaya doon nalang ako sumakay. Masyado ata akong busy na hindi ko napansin na bukas na yung kabila, at may dumaan palang babae na nakapink na skirt. Naks! Short hair! 

Mukha nga lang tanga, may dalang malaki'ng something. Parang piano. Kasi ganon yung kay Dannah.

Parang si Ysabel lang dun sa panaginip ko eh. short haired! Tas may dalang piano! Ysabel na Ysabel eh. HAHAHA!

Pasara na yung pinto ng may sumingit na lalaki don sa sinasakyan ko. Bago magsara, hindi ko alam kung ano'ng pumasok sa isip ko...

Lumabas ako ng elevator. Nagbaka sakali.

Lumingon ako sa kaliwa't kanan ko.  

Narinig ko'ng nagsara na yung elevator na dapat ay sasakyan ko.

Asan na yung babae? San sya pumunta?

Naglakad ako ng kaonti papunta sa condo ko. Tas yung katabi'ng condo ng condo ko medyo bukas yung pinto. Tas narinig ko yung piano.

Shet! Dito. Dito pumunta yung babae. Bubuksan ko na sana yung pinto pero bigla naman to'ng sinara ng tao na nasa loob.

'YSABEL'S POV

"Sa susunod, wag mo naman iwan na nakabukas yung pinto. Nalabas yung lamig nung aircon."

"Taray mo!" sagot ko sakanya.

"Halika nga!" tas bigla nalang ako binuhat at dinala sa kwarto. Hahahaha!

Kiniliti nya lang naman ako ng wagas don. Halos, gulo-gulo na yung buhok ko eh!

'JELO'S POV

"Sayang..." sabi ko habang nakuha ng chocolate drink sa fridge sa 7eleven.

Wala naman ako'ng assurance na si Ysabel yon. Bakit pa kasi ako nahiya? Malay ko naman mabait pala yung nakatira sa kabila?

Ah ah! Kung ano ano na napasok sa isip ko.

Paano kung si Ysabel nga yon? Ano yun? Di man lang sya nagsabi sakin? 

Di man lang sya nagsabi na uuwi sya?

Ay taena. Kung ano ano na talaga sinasabi ko sa sarili ko.

My Sweet BlackmailerWhere stories live. Discover now