[TGOA2] Q55:DAY 01

3.2K 103 3
                                    


QUINCY

Nakaupo ako dito sa itaas ng puno habang nakatingin dito sa apat kong nace na nakuha.

"Meron na akong 115 points! Ang galing" masaya kong sabi at hinimas yung pusa ko na sobraaangg cute ^•^

Name niya Cy ^_^

Kumakain siya ng chocolate na binigay ko kanina.Naiinggit na ako dito kay Cy ah!

Kumuha na lang ako sa bulsa ko ng chocolate at binuksan iyon sabay kain.WAAAH Ang sarap talaga ng chocolate ^_^

"Kamusta na kaya sila? Siguro sa mga oras na ito nakikipaglaban sila.Hays! 'wag naman sana silang masaktan ng sobra." Sabi ko at sumandal sa sanga ng puno.

"Hapon na pala Cy.Kailangan natin magingat ng sobra dahil malapit ng mag gabi." Sabi ko kay Cy ng humiga ito sa hita ko.

"Meow! Shhh! Meow!"

Napakunot ang noo ko ng biglang nagsitaasan yung balahibo ni Cy at parang nakakita ng kaaway sa malayo.Napaayos naman ako ng upo at takang tumingin sa tinitignan ni Cy.

"Problema mo Cy? Isang babae lang naman yan na nakatingin ng masama sa at---"

Agad kong tinignan muli yung babae at ang sama ng tingin nito sa akin.Bigla siyang ngumisi.

Napailing ako at binuhat si Cy.Nagteleport ako papunta doon sa babae at nabigla siya ng makita niya na nasa harapan na ako.

"P-paano mo nagawa iyon?" Takang tanong niya.Ibinaba ko si Cy at hinarap yung babae.

"Eh? Sama mo makatingin ah.Gusto mo ata makatikim" seryoso kong sabi.

"Ng ano? Huwag mo akong matakot takot ah" Inis niyang sabi.

"Tss ito naman ang pikon.Laban na nga tayo!" Sabi ko at sabay kaming sumugod.Nagpapalitan kami ng suntok at sipa.

"Aba! Kaya mong makipagsabayan sa akin? Walang puwedeng makasabay sa galing ko!" Sabi niya at ng susuntukin niya ako ay nakuha ko ang kanyang kamao at inikot ang kanyang kamao papunta sa kanyang likod.

"Kaya ko makipagsabayan kahit sino man 'yan.Kahit reyna pa" bulong ko sakanya.Natawa naman siya.

"Ang galing! Napatawa mo ako doon ah.Ikaw? Kayang makipagsabayan sa mga reyna? Aba ang lawak naman ng imahinasyon mo" natatawa niyang sabi.Diniinan ko ang pagkakaipit ng braso niya.Kaya napa aray siya.

"Hindi mo ako kilala kaya manahimik ka na lang" sabi ko sakanya.

Nasipa naman niya ako kaya na bitawan ko siya.Lumayo siya sa akin at ngumisi.Napatili ako ng may pumulupot sa paa ko at iniangat ako.Aish!! Isa pala siyang Earth Charbute user.

"Ibigay mo lahat ng nace na meron ka.Kapag hindi mo ibinigay ay mamamatay ka!" Sabi niya at parang lalong humigpit yung ugat ng puno sa paa ko.Napahikab ako at nagteleport papunta sa likod niya.

"Ay ang galing napunta ako dito.Paano kaya iyon?" Sabi ko habang nakatingin sa ugat ng puno.Napatingin ako sakanya at siya ay nakanganga.Pasimple kong kinuha yung nace at ng susuntukin niya ako ay napateleport ako sa gilid niya.

"Kawawa naman yung hangin.Ang sama mo sa nature ah" sabi ko at ng humarap siya ay sinuntok ko siya ng malakas.

Nagpalabas ako ng monster plant.Isa itong halaman na kumakain ng kung ano-anong nilalang.Kapag nahuli siya nito ay hindi na siya makakatakas.

Hinawakan ko ang kanyang buhok at ngumisi.

"Say your last word bitch" sabi ko.

"A-arg! F-fuck you!" Sabi niya kaya natawa ako.

"Fuck you too ^_^" at saka ko siya itinulak sa monster plant.Nakagat naman siya ng monster plant ng buo.

"Woah! Hinay-hinay lang monster plant." Sabi ko rito ngunit hindi ako pinakinggan.Rinig na rinig ko ang buto ng babae habang kinakain siya ng alaga ko.

"Mukhang masakit iyon" sabi ko ng naiiling.Tinignan ko ang nace na nakuha ko sa babae.Kulay asul.

Umilaw yung nace na suot ko sa leeg at may lumabas na hologram sa harap ko.

"You've got 25 points and the total of your points now is 140 points.Keep it up!"

Napangiti naman ako.Tumingin naman ako sa paligid at wala akong makitang magandang pusa.

"Cy?" Tawag ko ngunit walang pusang lumilitaw.Aish!

Bigla na mang may umilaw sa harap ko at lumitaw doon ang dagger.TEKA!!  WEAPON KO ITO AH!

Agad ko naman itong kinuha.

"Meow"

Napatingin ako sa likod ko at nakita ko si Cy.Kukunin ko na sana siya ng makaramdam ako ng sobrang lamig at biglang naging yelo ang paahan ni Cy kaya naman ay dali-dali kong kinuha si Cy at pinakiramdaman ko ang paligid.

"Sino iyan?" Tanong ko ngunit walang sumagot.Napatigil ako ng malanghap ko ang pamilyar na pabango at lamig.

B-buhay b-ba siya?

"Q-Quilla?" tanong ko.Nanlaki ang mata ko ng may tumakip ng bibig ko.May nalanghap naman akong nakakaantok kaya napapikit ako.

Someone POV

"I'm sorry pero kailangan ko itong gawin"

SHINE

Bigla akong may naramdaman na hindi ko maipaliwanag.

"Ano ba ito? Bakit ko nararamdaman ang presensya niya?" Tanong ko.

"ARF! ARF! ARF! "

"Ano na naman ba ang tinatahol mong tigre ka? Nagpipiling aso ka na naman eh!" Inis kong sabi rito.

Oo! Isa siyang tigre na ang feeling niya ay isa siyang aso.Ka-ulol no?

"Kumain na nga muna tayo.Hala sige hanapan mo ako ng pagkain.Inubos mo yung pagkain natin kanina bwiset na aso ka este tigre" Inis kong sabi at nalito pa tuloy ako.

Umalis naman siya.Hay buti naman wala ng kakahol na tigre sa tabi ko.

At dahil wala pa ang feeling aso na iyon ay pinaglalaruan ko muna yung shuriken ko at pinalutang gamit ang water charbute ko.

Bigla na lang itong naging yelo sa palad ko kaya nagtaka ako.

"Aba! Huwag mong sabihin na Ice charbute user na rin ako? Eh? Hindi naman ako taga white D. Paano 'yon?" Sabi ko sa sarili ko.

Parang may dumaan naman na malamig sa harap ko.

"Ay! Pak! Libreng aircon pala dito" na sabi ko na lang sa sarili ko.

Maya-maya ay nakaramdam naman ako na may papalapit sa akin kaya naman ay nagteleport ako.Yung fire ball ay tumama sa punong inuupuan ko kanina.

Hinanap ko naman kung saan galing ang fire ball.

"Gotcha!" Nakangisi kong sabi.Nagteleport ako papunta sa babae at ng pagharap niya ay nagulat ako.

"WAAAAAAAAAAAAH"

↭•↭

The Goddess of AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon