[TGOA2]Q30:Lucia's Sisters(Triplets)

7.2K 181 2
                                    

[TGOA2]Q30:Lucia's Sisters(Triplets)



Haynes


Inimulat ko ang aking mga mata.Sa una ay ang labo ngunit di nag laon ay luminaw ang aking paningin.

May na amoy akong mabango which is pabango niya.Napangiti ako at hinigpitan ko pa yung yakap niya sakin.Ang gwapo niya my god!

Hinawakan ko yung mukha niya at ang matangos niyang ilong.

"Ang cute mo talaga" bulong ko at itinaas ko yung bangs niya para makita ko yung noo niya.

"Nakakaadik talaga yang noo mo" sabi ko at hinawak-hawakan ko pa.Nagulat ako ng yakapin niya ako lalo kaya nasubsob yung mukha ko sa leeg niya.

"Hustisya! Natulog ka na ngat lahat mabango ka parin." sabi ko at hinalikan yung leeg niya.Parang nagising naman siya.

"Morning" sabi ko ng nakangiti.Ngumiti naman siya at niyakap pa ako.

"Okay ka na? " tanong niya."Oo.Siguro medyo nasanay na ako.Sanay na akong iniiwanan eh" sabi ko ng kinabangon niya.Kunot noo naman akong napatingin sakanya.

"Hindi kita iiwanan." seryosong sabi niya."Dahil hindi ko kakayanin kapag wala ka" dagdag niya pa at humiga ulit.Isiniksik niya yung ulo niya sa leeg ko.

"Ang bango mo" sabi niya.

"Tse!  Gutom na ako" sabi ko at nilalaruan ko yung buhok niya.

"Anong gusto mong kainin?" sabi niya at bumangon nasama niya akong bumangon dahil yakap niya ako.

"Basta kahit ano" sabi ko na kinangisi niya."Talaga?  Kahit.. Ako" nakangisi niyang sabi kaya napalayo ako sakanya.

"Nyete ka! Hindi porket magkatabi na tayo araw-araw matulog at mahal kita gaganyan-ganyan ka! Umayos kang alien ka baka ipakain kita sa ogre" sabi ko habang dinuduro siya.Napatawa naman siya."Joke lang hindi mabiro" sabi niya at hinawakan yung kamay ko.Binawi ko naman ito.

"Ika nga nila magbiro ka na sa lasing huwag lang sa bagong gising na DYOSA.Naiintindihan mo?" irita kong sabi na kinangiti niya ng square.Ugh! Alam niya yung kahinaan ko.

"Huwag ka ngang ngumiti ng ganyan" inis kong sabi habang nakapikit."Bakit masama" Nagulat ako ng nasa harapan ko na siya at mas lalo akong nagulat ng nakawan niya ako ng halik.Parang na hypnotize naman ako.Nabalik lang ako sa ulirat ng hilain niya ako.

"Saan ba tayo pupunta? Maliligo pa ako oh!" sabi ko sakanya ngunit hindi niya ako pinakinggan at hila niya parin ako.Napunta kami sa maze at siya sayang-saya naman.

"Na e-alien ka na naman eh" sabi ko.

"Nandito na tayo!" sabi niya kaya napatingin ako sa harapan.Nasa likod niya kasi ako.

"Woah! " tanging sabi ko ng makita ko ang ilog."Teka! " sabi ko at tumingin naman siya sakin.

"Paano nagkaroon ng ilog rito sa palasyo aber? " tanong ko sakanya habang naka pameywang at nakataas ang kilay.

"Kagabi kasi nilibot ko ito at ayan!  Nahanap ko" sabi niya at ngumiti ng pa square.

"Tara maligo na tayo! " sabi niya at hinila ulit ako.Hinigit ko yung braso ko pero wrong move napalakas kaya natumba kami.

The Goddess of AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon