[TGOA2] Q54:DAY 01

3.4K 117 2
                                    

👑SHIA's POV 👑

Matapos kong kunin yung nace sa lokong 'yun ay umalis na ako.

Kasama ko pa yung asong tumutulong sa'kin.Ah! Yung pangalan niya pala ay Shein.

"Shein? Sa tingin mo makakailan tayong nace ngayong araw?" tanong ko habang pinaglalaluruan yung palaso na nasa kamay ko.

"Arf! Arf!  Arf!  Arf!"

Aba!! Sumagot! Mukhang makaka-apat ako ngayon sabi ni Shein ^_^

"Aish! Wag ka ngang malikot diyan!"

Agad kaming nagtago ni Shein sa puno at inabangan kung sino yung nagsalita.

Napangisi ako ng makita ko ang isang babaeng naka kulay pula at may dalang pana at palaso.

"Mukhang magandang laban 'to" nakangisi kong sabi.

Lumipad ako papunta sa harap niya at ngumisi.

"Hello dear" nakangisi kong sabi.Napaatras pa ito sa gulat pati ang kanyang pusa.

"Aish! Ayan tuloy! Mapapalaban na naman ako" Inis niyang sabi.

"Hay nako tara simulan na ang laban.Dami pang inarte!" inip kong sabi sabay gawa ko ng fire ball at itinira sakanya na nailagan naman.Sumugod ako sakanya at nagpalitan kami ng suntok.

"Aish! Masyado ka naman atang atat!" sabi niya at aakmang sisipain niya ako ay nahawakan ko ang kanyang paa at inikot ito.Napadapa naman siya.

"Paki mo ba? Eh gusto ko.Huwag kang epal!" sabi ko habang hawak ko parin ang kaniyang paa.Umikot ako habang hawak ko ang kaniyang paa.

Binitawan ko ang kaniyang paa kaya napalipad siya ng mataas at bumangga sa puno at nahulog ang kaniyang katawan.

"Aish! Mukhang na sobrahan ata ako." sabi ko at nagteleport papunta sakanya.

Nakita ko namang hirap na hirap siyang tumayo.

"Buti naman at buhay ka pa" nakangisi kong sabi sakanya.

"F*ck you bitch!" Sigaw niyang sabi sa'kin.

"Same to you bitch ^_^ " sabi ko at gumawa ng fire ball.

"Tss patirahin mo naman ako.Sugapa ka eh" sabi niya at ngumisi.Di na ako nag aksaya ng oras at itinira sa'kanya ang fire ball.

Nailagan niya 'to at gumawa siya ng giant fire ball at itinira papunta sa akin.Napateleport tuloy ako ng wala sa oras.

Napunta naman ako sa likod niya at kinalabit siya.

"Sino yung pinapatamaan mo doon?" tanong ko at ng lumingon siya sa akin ay sinapak ko yung mukha niya sabay hawak ko ng buhok niya.

"Alam mo kapag nakikipaglaban ako hindi ko na pinapatagal.Pinapatay ko agad para wala ng sagabal" pabulong kong sabi na nagpataas ng balahibo niya.

Kaya naman ay inumpog ko ang kanyang ulo sa puno ng tatlong beses.

"P-please l-let me alive." sabi niya ngunit inumpog ko pa ang kanyang mukha sa puno ng dalawa pang beses.

"Ulol mo! Ano ka chicks?" sabi ko.

"P-please... G-gusto ko p-pang makita ang n-nanay k-ko" pagkasabi niya ng salitang iyon ay napatigil ako.

"Teka nga,Niloloko mo ba ako para makatakas ka?" sabi ko habang nakataas ang aking kilay.

"N-no"

"Kumbinsihin mo ako para maniwala ako bitch!" sabi ko at ng i-uumpog ko na siya ay hinawakan niya ang aking dalawang kamay at pina-ikot ito kaya naman ay napahiga ako ng dahil sa sakit.

"A-ARG!"

"AHAHAHAHAHA Ang galing mo 'rin no? Sayang" nakangisi niyang sabi at tinapakan niya ang tiyan ko.

"A-AH! B-BWISET KA!" Sigaw kong sabi.

Lalo niya pang diniinan ang pagkakatapak niya sa akin kaya naman lalong lumakas ang ungol ko dahil sa sakit.

"M-mamamatay ka" sabi ko at nag iba na ang kulay ng aking mata na kinagulat niya.Hinawakan ko ang kanyang paa.

"Charbute of Fire,Kill this bitch!" sabi ko at sa isang iglap biglang nagliyab ang aking palad na naka-hawak sa paa niya.Balak niya pa sanang tanggalin yung kanyang paa ngunit hinawakan ko pa ito lalo at pati ang kanyang isang paa ay hinawakan ko rin.Mabilis namang kumalat sa katawan niya ang apoy.

"B-BAKIT G-GANITO!? FIRE CHARBUTE USER AKO PERO BAKIT NASUSUNOG A-AKO"

Napangisi ako sa reaction niya.

"I AM THE QUEEN OF FIRE SO I CAN DO ANYTHING WITH FIRE CHARBUTE!" sabi ko sakanya na kinalaki ng mata niya at doon na rin siya tuluyang nilamon ng apoy.

Hinagis ko siya at muli siyang bumangga sa puno.Dali-dali akong tumayo at tumakbo papunta sakanya at kinuha ang nace.

"Sana binigay mo na lang sakin ang nace.Hindi yung pinahirapan mo pa ako" sabi ko habang nakatingin sakanyang bangkay na umaapoy.

Umilaw na naman ang aking nace.

"You got 25 points!"

Napatingin naman ako sa nace at kulay asul ito.25 lang? Aish!

Napakamot naman ako sa ulo.Nanlaki ang mata ko ng hindi ko na maramdaman ang palaso ko sa likod ko.

"The hell!"

Napaatras ako ng may umilaw bigla sa harap ko.Napatakip naman ako ng mata dahil sa liwanag.Nang mawala ang liwanag ay napatingin ako sa aking harapan.

Isang Pana at palaso.

"TEKA!! WEAPON KO 'TO AH!" Masaya kong sabi kaya naman ay kinuha ko na ito.

"ARF! ARF! " Napatingin ako kay Shein ng tumahol siya.Parang may itinuturo naman siya kaya tinignan ko kung saan ito.

Nabitawan ko ang weapon ko habang nakatulala sa babaeng naglalaro ng Ice ball.

"Q-Quilla?"

↭•↭

The Goddess of AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon