TGOA 20 - Logo

8.7K 234 0
                                    


Haynes


Minulat ko ang mata ko at medyo blurred pa ang paligid kaya pumikit ulit ako.Pagkamulat ko nasa paligid ko na ang mga kaibigan ko at ang Alien kong boyfriend.

Nanlalakihan ang mga mata nilang nakatingin sakin kaya napakunot ako ng noo.

Umupo ako at inalayan ako ni Chester na maka upo.

Napadaing ako ng maramdaman ko ang kirot ng braso ko.Napatingin ako rito at hindi maganda ang kulay nito.

Kulay itim.

"Haynes? O my god! Bakit violet yung kulay ng mata mo? " tanong ni Shine kaya agad akong napatingin kay papu na seryosong nakatingin sa isang papel.

"P-Papu? " nanghihinang sabi ko.Napatingin siya sakin at lumapit.

"Nasa 4th stage ka na.At nalampasan mo ulit ang isa pa dapat na stage.Ang yellow green stage.But naging violet ito.Siguro dala na rin sa buong lakas ng naibigay mo sa laban.Queeni..."

Nag hihintay ako ng susunod niyang sasabihin.

"Take care.Wag kang mag padala sa galit.Dahil diyan ka mapapahamak apo." sa sinabi ni Papu tumulo ang luha ko.

Napakahina ko.Nag padala ako sa galit.Hindi ko sinunod ang payo ng mga kaibigan ko at pamilya ko.Naiinis ako sa sarili ko.

"Alam mo napakahina mo Haynes! " biglang sigaw sakin ni Shia kaya napatango ako.

Alam ko.Hindi ko kasi mapigilan ang hindi magalit sa pumatay sa Mom ko.

"Kung hindi mo mapigilan eh bakit kami? Puwede ba Haynes! Intindihin mo rin ang sarili mo! May tamang oras at tamang panahon para diyan! Hindi lang ikaw ang nahihirapan.Kami rin! CONTROL YOUR EMOTIONS! " sabi ni Quincy.

Ngumiti ako ng mapait at tinignan ang mga mukha nilang dissapointed.

"Sorry kung mahina ako.Sorry kung nag padala ako sa galit.Sorry kasi hindi ko manlang nasunod ang mga payo niyo.Sorry hindi manlang ako nag isip.Sorry dahil hindi ako naging maingat.Sorry dahil may nadadamay. Sorry..Sorry for everything." sabi ko at tuloy-tuloy ang luha ang lumalabas galing sa mga mata ko.Wala kang maririnig na hikbi ko.Tahimik akong umiiyak sa harapan nilang lahat.

Tama nga naman sila.Napakahina ko.

Pumikit ako at ramdam ko na umalis ang mga kaibigan ko pati si papu.

Nandito parin ang taong mahal ko sa tabi ko.

"I'll trust you..But.. What happened?.Hindi inu-una ang poot sa puso.Mas lalo akong nahihirapan kapag ganyan ka.Naiinis ako sa sarili ko dahil nangako akong po-protektahan kita pero hindi.Wala akong nagawa.Nahihirapan ako lalo Haynes" sabi niya at umalis ng kwarto.


Hindi ko na kinaya kaya napa hagul-gol ako.Hanggang sa makatulog ako.




Quilla


Narinig ko ang lahat.Lahat ng mga sinabi nila.

Kahit ako naiinis ako kay Haynes pero naiintindihan ko siya.Naramdaman ko yan nung kaharap ko ang pumatay sa Dad ko.Halos hindi ko ma kontrol ang sarili ko dahil sa labis na galit.

Nag-sisisi tuloy ako.Bakit kami napunta roon? Dapat pala umuwi na lang kami.

Rinig ko ang mga hagul-gol ni Haynes.Naiiyak ako.At naiinis.Ni hindi ko napigilan si Haynes.

Nawala naman ang mga hikbi ni Haynes kaya napamulat ako ng mata.Tinignan ko siya ng mabuti.Medyo na mu-mutla siya at maga ang mata.

Hindi ko na lang namalayan na umiiyak na pala ako.Wala akong kwentang kaibigan.Hindi ko siya nailigtas dahil sa galit na naramdaman ko nang malaman kung sino ang pumatay sa Dad ko. Pakiramdam ko ang sama kong kaibigan.

The Goddess of AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon