TGOA 12 - Mansion

13.8K 337 2
                                    


Quincy

"Pack all your things and follow us" may awtoridad na sabi nila.

Napatigil naman ako sa pagkain ng cupcake at naka kunot noong tumingin sa limang matanda.

"Teka po sino ho kayo?" Tanong ni Earl.

"Dad?" -Shine

"Grandny!?" -Calvin

"Momsy!" -Quilla

"Mama!" - Clark

Lalo namang napakunot ako ng noo sa sunod sunod na sabi nilang apat.

"Kilala niyo sila?" tanong ko.

"Duh! Nakalimutan mo na ata si Momsy.Dati lang 'Ay ang sarap ng luto mo tita' At oo kilala namin ang sariling pamilya namin " Cold na sabi ni Quilla pero inirapan ko na lang siya.

Oo nga si Tita Momsy pala yun.Ang sexy na kasi ni Tita dati mataba.

"Quincy..Ikaw ah! Hindi kita bibigyan ng cookies" pangbabanta sakin ni Tita Momsy.

"Ay I forgot!Sorry po nakakabasa nga pala kayo ng isip" Masiglang sabi ko habang kumikinang ang mata dahil sa cookies na dala ni Tita Momsy.

"O siya mag impake na kayo.Mag tre traning kayo" Sabi ni Tita Momsy sabay bigay niya sakin ng box na ang laman ay cookies 🍪

"Mama,Uuwi lang kami balik kami agad." Sabi ni Clark sa Mama niya.

"Oo na.Dali may papa-alisin pa tayo" striktang sabi ng Mama ni Clark.

Umalis naman sila kaya kaming mga girls ay umakyat sa kwarto namin.

Pagkabukas namin ng pinto ay kanya kanya kaming kuha ng mga damit at maleta namin.

"H-Hoy! Teka! Lalayas kayo? WAAAH  SMACK LANG NAMAN EH! WAG NA KAYONG UMALIS!" Histerycal na sabi ni Haynes.Kinotongan naman siya ni Shia.

"Aray! Grabe siya oh!" sabi ni Haynes sabay hawak sa ulo niya.

"Dumating na kasi sila Momsy di ko kilala yung isa pang matanda kasi apat lang kami ang sumalubong.Ngayon na natin papalayasin yung step mom mo tsaka yung bitchy half sister mo" sabi ni Shia habang inaayos yung damit.

Nag ayos na lang din si Haynes ng damit at inilalagay rin sa maleta.

Kinuha ko lahat ng mga damit ko at gamit na rin.Abah! Malay niyo doon na kami tumira

"Girls,Ready ba kayo na makapunta ulit sa white?" Seryosong tanong ni Haynes habang nagliligpit ng damit.

Napatigil naman ako.Sa lahat ng Division dito sa Ayeshib ang pinaka ayoko ay ang White.

Dahil dito namatay ang mga kuya ko dahil sa war na nangyari.Hanggang ngayon sariwa pa sakin.Kaya sa mga chocolates at kung ano anong pagkain ang kinakain ko para makalimutan ko sila.Pero hindi eh na aalala ko pa rin sila.Kaya minut minuto akong kumakain dahil binabagabag parin ako sa nangyari.

Nandoon ako nung namatay ang mga kuya ko.Nasa tabi ko silang namatay habang hinang hina at naka lubog sa lupa na maraming insecto.Sa panahon na yon ay wala pa akong lakas makipaglaban dahil hindi ko pa alam kung paano gamitin ang charm ko.

Sinanay ako ng mga parents ko at doon ako lumakas.Bago sila namatay sa sunog noon na gawa rin ng spectris ay may ibinigay sila sakin na maliit na box.At hindi ko pa iyon nabubuksan.Ang tanging alam ko lang ay mga litrato naming mag papamilya kaya hindi ko na binuksan dahil ma aalala ko na naman ang kalapastanganan ng mga Spectris.

Natapos na rin akong mag impake at naupo muna sa kama ko at tinitignan silang busy sa kakaimpake ng mga gamit nila.

Sila na lang ang natitira sakin.Kahit anong mangyari nandiyan lang ako sa tabi nila at hindi ko sila iiwanan.

The Goddess of AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon