[TGOA2]Q51:Preparation

4.5K 125 12
                                    


👑SHIA's POV 👑

Nakabihis na ako ng panglaban at ang kulay ng aking suot ay pula.
Bumukas ang pintuan ng silid at iniluwa ng iyon ay si Clark na inaantok pa.

"Bakit ba kailangang maaga? Eh gabi pa naman magsisimula yung seremonya?" Inis niyang sabi at humiga sa kama.

"Edi kung ayaw mong sumama maiwan ka dito.Jusmiyo!" Pataray kong sabi.

Humarap naman ako sa salamin at tinignan ang aking sarili.Hmmmm mukhang may kulang.

"Oo nga may kulang" sabat naman ni Clark habang nakatingin sa akin.Tinaasan ko naman siya ng kilay.

"Huwag ka ngang epal.Manahimik ka na lang.Tss" inis kong saad at inirapan siya.Bigla naman siyang tumawa.Hay nako palagi na lang niya ako binubwisit.Napatingin naman ako sa braso ko.Tss yung nace hindi ko pa pala suot.Kinuha ko naman ang nace sa drawer ko at isinuot ito.

"Galit ka?" tanong ni Clark sa akin.Umirap naman ako at hindi siya sinagot.Inayos ko naman ang aking buhok.

"Sorry na" sabi niya at tumayo sa kama at niyakap ako patalikod.

"Tigilan mo ako." mataray kong saad sakanya pero ang ginawa niya ay pinatong niya ang kanyang baba sa aking balikat at mas niyakap pa ako.

"I love you hot" Saad niya at hinalikan ang aking leeg.Nakiliti naman ako.

"Tss kung hindi lang kita mahal.I love you too" sabi ko at humarap na sa kanya at kiniss siya sa lips.Hihiwalay na sana ako ng hilain niya pa ako lalo at hinalikan.Nanlaki pa ang mata ko.Nagpupumiglas ako pero lalo niyang diniinan ang halik kaya napahawak na lang ako sa batok niya at ginantihan siya ng halik.

*BOGSH*

"HALA!! PORN PORN!!"

Napahiwalay kami ni Clark at tumingin sa sumigaw.

"Langya ka talaga Chester!" sigaw ni Clark at lumapit kay Chester sabay batok.Napailing na lang ako.

"NASAAN!? NASAAN YUNG PORN!?"

Bigla namang dumating si Lyndon at panay hanap kung nasaan daw yun -_-

"Ang babastos niyo!" Biglang litaw ni Quincy na may kinakaing chocolate.

"Tss,Bakit ba kayo nandito ha?" inis kong sabi.

"Asus! Nasira ko ba yung porn? Hehehe sorry naman--arayyyy" daing ni Chester ng batukan siya ni Haynes.

"Aba! Hanggang kabilang kwarto rinig yang bastos niyong bunganga" sabi ni Haynes at kinurot sa tagiliran si Chester at si Lyndon.

"A-ray! Masakit diyan! Tss,Anyway tara na baka maiwan tayo ng portal" sabi ni Chester.

Nagsi-alisan naman sila sa kwarto kaya kami na lang ni Clark ang natira ulit.

"Tuloy natin sa susunod" sabi niya at umalis na.

Napatigil naman ako.

WTF!?




👑HAYNES POV 👑

Habang papunta kami sa portal ay naghaharutan sina Chester at Clark.Tss Bakit ba ang kukulit nila?

"Bwisit ka talaga eh! Ayun na 'yon eh" sabi ni Clark at pakunwaring sinapak sa braso si Chester.

"Sorry naman,Matuto kasi kayong magsara ng pinto" sabi ni Chester at tumawa ng malakas.

"SHUT UP!" Inis kong sabi.

The Goddess of AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon