TGOA 5 - Mariane Jen

19K 498 5
                                    

SHIA



Nakita ko yung ginawa ni Haynes at sobrang galing niya!Siya palang yung nakita ko na napagsama ang ice,fire,at water charms.

Yung time na nakita ko siya malapit sa may tulay at nakikipaglaban sa tatlong mga ordinaryong gangster na holdaper napakagaling niyang gumamit ng fire.Lalo na kapag may weapon na kasama.

Kaya sinundan ko siya at ayun may pag-ka abnormal pala siya.Parehas sila ni Shine.Kaya sinama ko na siya dito sa bahay namin at pinatira.Halata naman pinalayas siya kasi may dalang malaking maleta at gabi na.

Nagulat rin si Quilla at parang hindi maka-paniwala sa nakita.Ako nga rin eh pero nakahiga lang ako at si Quilla napabangon.

Aish! Maka-paligo na nga.

----

Pagkatapos kong gawin lahat ng morning rituals ko ay bumaba na ako at pumunta ng kusina para mag-luto.

Actually kakalipat lang namin dito kasi yung bahay namin dati sinunog ng mga spectris.Kaya yung bahay medyo madumi pa kasi di pa namin na lilinisan.Mamaya pa kami makakapaglinis.

Narinig ko naman yung malakas na boses ni Shine at plastic na hawak siguro ni Quincy.Tatlo pala silang abnormal sa grupo.

"Morning ATE SHIA!" Sino pa ba? Tss Shine.Umupo naman si Quincy sa lamesa.Itong batang to oh!

"Quincy! Wag ka nga diyan umupo.Sa upuan ka nga umupo.Kaya nga may upuan eh." saway ko sakanya at sinunod naman niya pero nakasalpak sa bunganga niya yung chocolate.

Madali pa naman akong mainis baka diko namalayan na sinunog ko na silang dalawa.

"Ano yang niluluto mo insan" sabay akbay sakin ni Shine.Pinakita ko naman sakanya yung umaapoy kong palad.

"Gusto mo iluto kita?" mataray kong saad napalayo naman siya sakin at nag pout.Yak! Gross.

"Ang panget mong ngumuso SHINE!" napatingin naman ako sa nag salita at si Quilla lang pala.

"Tse! Ikaw nga yun eh.Bleh!" sabi ni Shine at nagtago sa likod ni Haynes.

"Panget kayo" Sabi naman ni Quincy.Kita mo isa pa tong panget na to.

"Mas panget ka!" sabay na sigaw ni Shine at Quilla.

"Ano ba yan mga panget na nga pinapamukha pa sa isat-isa." inis na saad ko.

"Ulol! Kung panget kami panget ka rin!" sabi ni shine kaya nilabas ko ulit yung fire ko.

"Sinong panget?" tanong ko ng nakangisi.Napatakip naman siya ng labi.

"ENOUGH! Pare-Parehas naman kayong apat ang panget.Ako lang ang maganda kaya SHUT UP.Im the goddess here" Cold na sabi ni Haynes sabay pakita niya ng tatlong attributes niya.

Napalunok naman kami.God! Nakakatakot siya.Si Shine humiwalay kay Haynes.Si Quincy napatigil sa paglalamon ng chocolate.Si Quilla napaupo sa sahig.Ako nabitawan ko yung sandok.

"A-ay....oo nga naman...he-hehehe" Sabi ni Quilla at tumayo.Tumingin naman siya samin.

"Oo nga panget talaga tayo girls no?" sali ko pa at sinang-ayunan nilang tatlo.

"Good" Sabay ngiti niya at lapit sakin.

"Ano yan?" tanong niya sakin ng nakangiti at dahil tanghali na nag luto ako ng adobo.

"Adobo" sabi ko sakanya sabay kuha ko ng panibagong sandok.

Umupo naman siya ng nakangiti.Tinignan ko yung tatlo yung mga mukha nagulat.Hindi na nasanay.

Nasanay na ako kahit isang araw palang kaming magkakilala ni Haynes.Ewan ko sobrang gaan ng loob ko sakanya at noong una akala ko maldita siya o bitch.Hindi pala kaya ayun mabilis ko siyang tinanggap.Kahit na parang na uunder niya kami.

Umupo na lang yung dalawa ng maayos na si Shine at Quincy.Si Quilla siya na ang tumutulong sakin.

Pagkatapos naming kumain ay nag lilinis na kaming lahat dito sa bahay.Malaki pa naman tong mansion na to paano namin to malilinis ng madalian?

💡 CHARM!

Tinawag ko naman silang apat at lumapit naman sila.

"Girls para mapadali gamitin natin yung charm." sabi ko sa kanila.

"Huh? Eh yung charm mo baka masunog mo lang buong mansion" sabi naman ni Quincy.Napaisip naman ako doon.

"Oo nga no" matamlay kong saad.

"Ah! Ganito na lang.Quincy gamitin mo yung charm mo sa mga alikabok.Pagkatapos gamitin ni Quincy yung charm niya si Shine naman ang gagamit ng charm buong sahig lagyan mo o di kaya buong bahay.Tapos si Quilla gagamitin niya yung ice para ma frost yung tubig.Tapos ikaw shia tunawin mo.At ako na bahala pag katapos" sabi ni Haynes.

Woah! Ang galing.

Ginawa na ni Quincy at lahat ng alikabok lumapit sa kanya at nagipon-ipon yun sa harap niya.Ew! Ang dami ng alikabok.Tapos ginawa naman ni Shine lagyan lahat ng sulok ng bahay ng tubig.Tsk! Basa na yung damit ko.Frinost naman ni Quilla yung mga nalagyan ng water attribute .Arrgg! Yung paa ko.Ang lamig! Nanghihina ako.

"Ayos ka lang Shia?" tanong sakin ni Quilla. Ngumiti naman ako sakanya.

Ginawa ko na yung sinabi ni Haynes at lahat natunaw at natuyo pati damit ko.Tapos......



*BOOM*



H-how?

Haynes? Lahat ng dumi pinapunta niya sa harap niya at ginamit niya ng sabay sabay ang attribute at BOOM! Lahat ng dumi nasa loob ng ice na may tubig sa loob at may apoy.Lumabas naman si Haynes at sinundan namin siya.

Sinipa niya ng malakas at sa ere sumabog.WOW! W-O-W-!

"Pasok na tayo.Malinis na yung buong bahay" sabi niya at pumasok naman kaming lima.

Paulit-ulit na lang kaming nagugulat! Sobrang linis nga!

Ang galing!

"Ang LUPET MO ATE HAYNES!" Masiglang saad ni Shine.

"EASY! kahit naman nasa bahay ako ng daddy ko no'n ganun ginagawa ko"

Ay! Oo nga pala ginawa pala siyang katulong ng madrastang step mom niyang witch daw.

"Teka! Ibig sabihibin meron ding charm yung step mom mo at step sister mo?" tanong ni Quilla kay Haynes.

"Wala" sabi niya sabay upo na sofa.Ginaya naman namin siya.

"Eh? Nakikita nila yung charm mo pag nag-lilinis?" tanong ko kay Haynes.

"Hindi" Huh?

"Huh? What do you mean?" tanong ni Quincy sabay kagat ng chocolate??? Saan niya nakuha yan?

"Yung half-sister ko laging may outing.Si Witch laging may lakad ng mga amiga niya at minsan nasa loob lang ng kwarto kaya kapag naglilinis ako walang na kakakita."

Mga batugan pala yung mga yun.Hindi manlang tulungan si Haynes o di kaya mag hire sila ng katulong.

"ANNYEONG!" ????

Halos kaming lima napatingin sa pinto.

"ATE JEN?!"

.

KYAAAAAH! Agad akong lumapit at yumakap sakanya ng mahigpit!

"I-I can't breath!" Ay! Agad akong humiwalay sakanya.

"JEN! Na miss kita!" sabi ko sakanya.

"Okay? Na miss din kita.Ay wait!"

Nagtaka naman ako wait?

"Queen?"

Huh? Ano daw? Queen?

Tinignan ko kung sino yung sinabihan niya ng Queen.

0_0

Haynes?
















Queen?

👑👑👑

The Goddess of AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon