LESSON 28- Mother's Revenge

6.1K 243 26
                                    

LESSON 28
“Mother’s Revenge”

“SIGE, Ate Elvira. Basta iyong almusal ko bukas, huwag mong kakalimutan. Tapos, alam ko may maliit na silid malapit sa kusina. Doon ka na lang mag-stay,” ani Kelly kay Elvira.

Yumukod lang ito sa kanya bilang pagsagot.

Medyo weird para sa kanya ang kilos ni Elvira ngunit alam naman niya na hindi kukuha ang mga magulang niya ng taong magbabantay at magsisilbi sa kanya na hindi mapagkakatiwalaan.

Paalis na sana siya nang may bigla siyang maalala. “Oo nga pala. Akyatan mo naman ako ng warm milk sa kwarto ko sa itaas para makatulog agad ako. Second door sa left. Okay?” utos niya.

“Okay po, ma’am.”

Matapos iyon ay umakyat na siya sa kanyang silid. Tinignan muna niya ang kanyang cellphone kung may message siya ngunit wala. Naalala niya bigla si Morgan. Nag-aalala siya para sa kanyang kaibigan. Bakit kasi hindi ito maniwala na nasa panganib ang buhay nila? Hihintayin pa ba nitong isa sa kanila ang patayin bago ito maniwala?

Dahil sa pag-aalala niya dito ay tinext niya ito kung okay lang ba ito.

MORGAN: Okay lang ako.

KELLY: Good. Nasaan ka ba ngayon?

MORGAN: Naglayas ako sa amin. Nasa Quezon Province ako.

KELLY: What?! Pero mas okay iyan. Magtago ka muna hangga’t hindi tayo safe.

MORGAN: Somehow, naniniwala na ako sa iyo. Pero I’m out of money. Pwede bang makahiram ako sa iyo? Kakaunti na lang kasi ang laman ng ATM ko.

KELLY: Sure. Send me your address para maipadala ko ang pera.

Pagka-send ni Morgan ng address ng kinaroroonan nito ay nagpasalamat naman ito sa kanya. Matapos iyon ay hindi na ito nag-reply. Mabuti naman pala ay naniniwala na ito sa kanya na nasa panganib ang buhay nilang dalawa.

Nang magsawa sa pagtingin sa kanyang cellphone ay kinuha na lang ni Kelly ang isang aklat na binabasa niya. Habang nagbabasa siya ay may kumatok. Alam niyang si Elvira iyon.

“Bukas iyan. Pumasok ka na lang,” pasigaw na sabi niya upang marinig nito.

Marahang bumukas ang pinto at pumasok si Elvira na dala ang kanyang isang baso ng gatas. Maingat nitong inilapag ang gatas sa side table.

“May ipag-uutos pa po ba kayo?” tanong nito sa kanya.

“Oo, meron pa--” Biglang nag-ring ang kanyang cellphone dahil tumatawag pala ang kanyang daddy. Sinenyasan niya si Elvira na huwag munang umalis kaya nanatili itong nakatayo sa gilid ng kama.

Uminom muna siya ng gatas bago iyon sagutin. “Hello, daddy. Bakit po?” Muli siyang uminom ng gatas. Napasulyap siya kay Elvira at nahuli niya na nakangisi ito na agad ding nawala.

“Okay ka lang ba diyan, Kelly?”

“Yes po. Huwag kayong mag-alala. Mukhang okay naman ang security na ibinigay niyo sa akin dito. Thank you po talaga.”

“Anything for you. Basta, kung may problema o kailangan ka. Don’t hesitate to call us. Okay?”

“Of course, daddy.” Uminom siyang muli sa gatas. Halos nakakalahati na niya ang laman ng baso.

“By the way, 'andiyan na ba iyong kasambahay na ipinadala ko?”

“Opo, nandito na.”

“Kumusta naman siya para sa iyo?”

School Trip 4: VendettaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon