LESSON 21- Vendetta

6.5K 250 32
                                    

LESSON 21
“Vendetta”

“MY GOD! Is that…” Saglit na huminto sa pagsasalita si Sasha

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

“MY GOD! Is that…” Saglit na huminto sa pagsasalita si Sasha. Yumukod ito at tinignan nang maigi ang mukha ng babaeng nabangga ng kotse ni Morgan. “My God! Si Angela nga! Anong gagawin natin?! We’re gonna rot in jail! We killed her!”

“Pwede ba, Sasha?! Shut your motherfucking mouth!” bulyaw ni Morgan dito.

Pinulsuhan niya Angela. Wala na siyang nararamdamang pulso.

“P-patay na ba siya?” Kinakabahang tanong ni Kelly.

Tumayo si Morgan. “Hilahin niyo siya at itapon sa talahiban!”

“Patay na ba siya?” ulit na tanong ni Kelly.

“She’s dead! Now, sundin niyo ang sinabi ko. Itapon niyo siya sa talahiban!”

“H-hindi ba natin siya dadalhin sa hospital?” Naiiyak na si Sasha.

“Are you dumb?! Kapag dinala natin siya sa hospital, anong sasabihin natin sa mga doctor kung bakit siya nagkaganyan? Sasabihin natin na nabangga natin siya?! No way!”

Mataas na ang tensyon sa pagitan nilang apat. Alam ni Morgan na maaari silang managot sa batas oras na may ibang makaalam sa ginawa nila.

“Wait, Morgan!” singit ni Paris. “Natin? E, ikaw lang naman ang nagda-drive, 'di ba? So, kung meron mang dapat managot sa pagkamatay ng Angela na iyon, ikaw lang!”

“Bitch!” Malakas niyang sinampal si Paris. “Damay na kayong tatlo dito! Kaya kung ayaw niyong makulong, sundin niyo na ang sinabi ko!” Padabog siyang pumasok sa loob ng kotse.

Kahit anong gawin niya ay hindi niya magawang pakalmahin ang kanyang sarili.

Sinilip niya ang tatlong kaibigan at nakita niyang hinihila na ng mga ito ang katawan ni Angela hanggang sa maitapon sa talahiban. Saka lang bumalik ang mga ito sa loob ng kotse. Kanya-kanyang pahid ng alcohol ang tatlo.

“Are you sure tama ang ginawa natin?” tanong sa kanya ni Kelly.

“Ayaw niyong makulong, right? Ayaw niyong madumihan ang apelyido niyo? Pwes, tumahimik kayo! Wala tayong pagsasabihan na napatay natin si Angela. There’s no CCTV sa road na ito kaya we’re safe,” sabi ni Morgan at pinaandar na niya ang sasakyan paalis sa lugar na iyon.

-----***-----

PARANG hinugot si Angela sa ilalim ng tubig nang mapasinghap siya at magising. Takot na takot at nanginginig ang buong katawan niya. Matindi ang sakit na nararamdaman niya sa buong katawan niya. Hindi siya makagalaw. Tanging mata lang niya ang naigagalaw niya. Isang hindi pamilyar na kwarto ang bumungad sa kanya.

“Angela!” Kilala niya ang boses na iyon.

Isang mukha ng lalaki ang dumukwang sa kanya at dinama ang kanyang leeg at noo. Napaluha siya nang malamang si Benjamin ang lalaki. “Mabuti naman at nagising ka na at wala na rin ang lagnat mo…”

School Trip 4: VendettaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon