LESSON 17- Who's Dead?

6.3K 250 33
                                    

LESSON 17
“Who’s Dead?”

HALOS walag paglagyan ang awa na nararamdaman ni Angela para sa kanyang ina nang makita niya ito na nakakulong

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

HALOS walag paglagyan ang awa na nararamdaman ni Angela para sa kanyang ina nang makita niya ito na nakakulong. Sa sobrang pagod siguro nito ay nakatulog na lang ito sa makipot na higaan na naroon habang kasama ang iba pang babaeng preso. Halos kalbuhin kasi ito kanina ng nanay ni Chelsea. Naroon naman ang papa niya para alalayan siya. Kahit ito ay hindi pa rin makapaniwala na nagawang pumatay ng kanyang ina.

Nagbigay na rin ng pahayag ang nanay niya sa mga pulis. Inako nito ang pagpatay kay Chelsea. Palihim din siyang binulungan nito na huwag niyang sabihin na may alam siya sa nangyari dahil baka madamay siya. Sinunod na lang niya ito dahil ayaw nitong mapahamak siya. Iisipin kasi ng mga pulis na tumulong siya sa ina sa pagtago ng krimeng nagawa nito.

Kanina nang dumating ang magulang ni Chelsea ay galit na galit ang mga ito at sinabing mabubulok sa bilangguan ang nanay niya. Sinaktan nito sa sobrang galit ang nanay niya.

Pinanghihinaan na si Angela ng loob dahil bukod sa maraming pera ang mga Salumbidez ay malakas din ang ebidensiya laban sa nanay niya.

“Papa, paano na si mama? Kung kailan naman dumating kayo siya naman ang nawalay sa atin…” Malungkot na pahayag ni Angela nang makauwi na sa kanilang bahay.

Nanibago tuloy siya na wala ang mama niya doon. Nakakamiss ang boses nito.

Inakbayan siya ng papa niya at pinisil siya sa balikat. “'Wag kang mag-alala, anak. Gagawa ako ng paraan para makalabas ng kulungan ang mama mo. Oo nga pala, 'yong perang dineposit ko sa account mo, kumusta na?” Naging malikot ang mata nito.

“Iyon po ba? Kakaunti pa lang po ang nababawas namin dahil hindi naman po kami magastos ni mama. Bakit po?” tanong niya. May kaunting pagtataka siyang nararamdaman.

“Uutusan sana kita bukas na withdraw-hin lahat ng iyon para magamit natin sa kaso ng mama mo. Okay lang ba?”

Tumango siya. “Sige po, papa. Magha-half day na lang po ako sa school para maasikaso ko siya bukas ng umaga…” aniya.

-----***-----

PABILING-BILING ang ulo ni Angela habang natutulog siya. Tagaktak ang malamig na pawis sa kanyang noo at parang nahihirapan ang kanyang mukha.

Nanaginip siya. At sa panaginip niya ay kasama niya si Olivia. Tumalon na naman daw mula sa rooftop at hindi na naman niya ito napigilan. Namatay daw ito.

Nagising na siya at nasilaw siya sa sikat ng araw na naglalagos sa nakabukas na bintana ng kanyang silid. Napahawak siya sa kanyang dibdib dahil ang lakas ng kabog niyon. Kinakabahan na naman tuloy siya para sa kanyang kaibigan.

Kinumusta niya ito sa pamamagitan ng text. Ngunit wala siyang nakuhang reply.

Matapos iyon ay bumangon na siya at nag-almusal. Wala ang papa niya pero nakaluto na ang almusal. Baka nasa presinto ito at inaasikaso ang kaso ng mama niya. Naligo siya at bumyahe na papuntang banko upang gawin ang sinabi ng daddy niya. Paglabas niya ng banko ay isang bag ang bitbit niya na naglalaman ng halos sampung milyong piso. Iniuwi niya iyon sa bahay nila. Nagpahinga muna siya saglit at tinawagan si Olivia.

School Trip 4: VendettaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon