LESSON 12- Dreams And Reality

6.9K 272 39
                                    

AUTHOR’S NOTE: Hello, guys! Salamat sa mga comments niyo. Sana huwag kayong magsasawang magcomment para masipag din akong mag-update. Haha! Ayun, salamat din sa mga nagsasabi ng mali ko lalo na kapag napagbabaligtad ko ang mga names. Medyo nalilito kasi ako kapag maraming characters. Sana wag din kayong magsasawa na i-correct ang mga mali ko. Iyon lang naman. Enjoy reading!


LESSON 12
“Dreams And Reality”

NAKITA ni Angela ang kaibigang si Olivia sa gilid ng rooftop. Kahit nakatalikod ito sa kanya ay hindi siya maaaring magkamaling ito iyon. Tinawag niya ito at nagulat siya nang pagharap nito ay lumuluha ito ng dugo at may nakapulupot na lubid sa leeg nito!

“Olivia! Anong gagawin mo?” Nahintakutan siya nang gumalaw ang paa nito paunahan.

Sa wari niya’y may balak itong tumalon!

“Hindi ko na kaya, Angela… Paalam…” Pagkasabi nito ay tumalon nga ito mula sa rooftop.

“Oliviaaa!!!” Huli na para para iligtas niya ito.

Tumakbo siya sa gilid para tignan ang katawan ni Olivia. Ngunit pagdungaw niya ay isang duguang kamay ang sumakal sa kanya. Ganoon na lang ang takot niya nang malamang si Chelsea pala ang may ari ng kamay niyon!

-----***-----

“AHHH!!!” Napabalikwas ng bangon si Angela mula sa masamang panaginip na iyon. Humihingal at pinagpapawisan siya ng malamig habang nakatuon sa magkabilang gilid niya ang mga kamay.

Agad siyang nagdasal at nagpasalamat sa Diyos dahil panaginip lang pala ang lahat. Matapos niyang magdasal ay napahawak siya sa kanyang leeg. Masakit iyon at pakiramdam niya ay parang totoo ang pagkakasakal ni Chelsea sa kanya.

“Patawarin mo ako, Chelsea… Hindi ko sinasadya…” Mahinang usal niya.

Bumaba siya ng kama at nagtungo sa kusina. Kailangan niyang uminom ng tubig para kahit papaano ay mabawasan ang tensyon na nararamdaman niya dahil sa panaginip na iyon.

Binuksan niya ang ref at kinuha ang pitsel na naroon. Nagsalin siya ng tubig sa baso at ininom iyon. Pagkatapos uminom ay naglakad na siya paalis ng kusina. Ngunit nakakatatlong hakbang pa lang siya mula sa ref ay narinig niya ang pag-ingit ng pinto niyon na para bang binuksan iyon.

Pagtingin niya sa ref ay nakabukas iyon. Napailing siya. Baka hindi lang naging maayos ang pagkakapinid niya kanina. Bumalik siya para isara ulit ang ref.

Pagkatalikod na pagkatalikod niya ay bumangga sa puwitan niya ang pinto ng ref. Nabuksan na naman iyon! Medyo kinilabutan na si Angela sa pagkakataong iyon. Kumakabog ang dibdib na sinilip niya ang loob ng ref pero wala naman siyang nakitang kung ano doon. Mga tubig, gulay at karne lang naman ang laman niyon. Wala nang iba.

Tinapik-tapik niya ang magkabilang pisngi. “Kulang ka lang sa tulog, Angela…” turan niya sa sarili.

Hinawakan niya ang pinto ng ref sa gilid at nang isasara na niya iyon ay hindi na niya maisara. Para bang may kung ano mula sa loob nito ang pumipigil sa kanya para maisara iyon. Hanggang sa isang duguang kamay ang lumabas mula sa loob niyon at hinawakan siya sa kamay.

Malakas na napasigaw si Angela. Napaatras siya at natumba.

Panay ang sigaw niya ngunit napatulala siya nang unti-unti ay bumukas nang tuluyan ang ref. Isang babae ang nakabaluktot at nakasiksik ang nakita niyang naroon. Nang gumalaw ito at nahawi ang buhok na nakatakip sa mukha ay doon lang niya nalaman na si Chelsea pala ito.

“C-chelsea?” Nangangatog sa takot na bulalas niya.

Bumagsak sa sahig ang katawan ni Chelsea. Unang gumalaw ang mga kamay nito at narinig niya ang pagtunog ng buto nito. Marahan itong tumayo habang tumutulo ang dugo mula sa suot nitong damit. Ang damit nitong suot ay ang suot nito noon pinatay ito ng nanay niya.

School Trip 4: VendettaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon