LESSON 14- Broken And Fixed

6.6K 266 24
                                    

LESSON 14
“Broken And Fixed”

SA wakas ay nakarating na rin si Charlotte sa bahay nila. Naabutan niya ang kanyang mommy na umiiyak sa salas. Nang makita siya nito at yakapin ay hindi siya nakaramdam ng kahit na katiting na pagtutol. Napapaiyak na rin siya ngunit pinipigilan niya lamang. Gusto muna niyang malaman nang maayos kung ano ba ang nangyari talaga at nasabi ng mommy niya na umalis at wala na ang daddy niya.

“Charlotte! Iniwan na tayo ng daddy mo! Sumama na siya sa kabit niya!”

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Charlotte sa narinig. Kumalas siya sa pagkakayakap sa ina at bahagyang napaatras. Walang namutawing salita sa bibig niya ngunit puno ng katanungan ang kanyang mga mata.

Napailing ang mommy niya. “S-siguro, ito na ang tamang oras para malaman mo ang totoo. M-may kabit ang daddy mo, Charlotte! Hindi siya perpekto gaya ng iniisip mo. Itinago ko ito sa iyo dahil ayokong masira ang image niya sa iyo. K-kaya natukso rin akong humanap ng lalaking magpapasaya sa akin, kaya ako nagkaroon ng kabit noon ay dahil sa ginawa ng daddy mo sa akin! Akala ko ay nagbago na siya pero… pero… tignan mo ang ginawa niya!” Isang papel ang inabot sa kanya ng umiiyak niyang ina.

Nanginginig ang kamay na inabot niya ang papel. Binasa niya ang nakasulat doon. Kilala niya ang sulat-kamay na iyon-- sa daddy niya. Sinasabi sa sulat na iiwan na sila nito at babalik na ito sa babaeng mahal nito. Sana daw ay patawarin nila ito.

Nangilid ang luha niya habang kinukuyumos ang papel. “Sino ang kabit ni daddy?” Mahina pero mariin niyang tanong.

“Kilala ko pero hindi ko na alam kung nasaan siya ngayon. Sa pagkakaalam ko, may anak ang daddy mo sa haliparot na babaeng iyon!”

“Ano?! May kapatid ako sa labas?”

“Oo…”

“Ano ang pangalang ng kabit ni daddy? May picture ka ba?”

Nagmamadaling pumasok ang mommy niya sa kwarto nito. Pagbalik ay isang picture ang iniabot nito sa kanya. Picture ng isang babae kasama ang kanyang daddy habang nasa labas ng isang bahay. Halatang stolen shot ang pagkakakuha ng litratong iyon.

“Picture iyan na ibinigay sa akin noon ng investigator na binayaran ko para alamin kung sino ang kabit ng daddy mo. Elvira… Elvira Bernal ang pangalan ng malanding iyan!”

“Bernal?” Sa pagkakatanda niya ay apelyido iyon ni Angela.

“Bakit? Kilala mo ba?”

Umiling siya. “Hindi.” Hindi naman siguro. Baka kaapelyido lang.

Pinakatitigan ni Charlotte ang hitsura ng kabit ng daddy niya. Bawat detalye ng mukha nito ay tinandaan niya. Humanda sa kanya ang babaeng iyon oras na magkaharap sila. Kahit mas matanda ito sa kanya ay kakalbuhin niya ito. Gaganti siya sa taong sumira ng kanilang pamilya!

-----***-----

NAGULAT si Angela nang pag-uwi niya sa kanilang bahay ay naabutan niya si Aling Magda sa salas nila. Walang ekspresyon ang mukha nito na nakatingin sa kanya. Nakakakilabot talaga ang naturang babae lalo na sa suot nitong pulang bestida. Nag-magandang gabi siya dito at tinanguhan lang siya.

Kung siya ang masusunod ay ayaw na niyang nakikipagkaibigan dito ang nanay niya. May suspetsa kasi siya na ito ang nagtulak sa nanay niya para umanib sa kinabibilangan nitong kulto ngayon.

“Si mama ko po?” tanong niya.

“Nasa silid niya. Huwag mo siyang gagambalain.”

Tumango si Angela. Iiwan na sana niya ito nang bigla itong tumayo at lapitan siya. Hinawakan nito ang ilang hibla ng kanyang buhok at inamoy iyon. Hinaplos ang kanyang braso nang napakarahan.

School Trip 4: VendettaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon