LESSON 01- The Newcomer

17.7K 384 31
                                    

LESSON 01
“The Newcomer”

MAGANDA ang araw na iyon para kay Angela-- first day of school

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


MAGANDA ang araw na iyon para kay Angela-- first day of school. Dalawang buwan din siyang nagtiis na nasa bahay lang siya at kasama ang kanyang ina na si Elvira. Kakalipat lang nila noong isang buwan sa bagong bahay nila. Kinailangan kasi nilang umalis sa dati nilang tinitirhan dahil sa isang dahilan.

Hindi ganoon kalaki ang bago nilang bahay. May maliit na salas, kusina, banyo at dalawang kwarto. Bungalow-style. Sakto lamang para sa kanilang dalawa ng kanyang ina.

“Good morning, baby!” Ang masiglang boses ng isang lalaki ang bumungad kay Angela nang sagutin niya ang tawag sa kanyang cellphone na gumising sa kanya ng umagang iyon.

Isang matamis na ngiti ang sumilay sa labi ng magandang si Angela. “Papa! Good morning din po! Ang aga niyo naman pong tumawag.” Pupungas-pungas siyang bumangon at tinignan ang oras sa wall clock na nasa side table.

Five o’clock…

“Chini-check ko lang kung okay ka ba diyan sa bago niyong bahay. And besides, first day of school mo today kaya I wish you good luck! Sana ay marami kang maging kaibigan sa bago mong school, anak.”

“Okay naman kami dito ni mama, papa. At salamat po…”

Naglakad na siya palabas ng kanyang silid. Sinilip niya ang kanyang mama sa kwarto nito at nakita niyang natutulog pa rin ito. May yakap pa itong krus na isang talampakan ang haba. Napabuntunghininga siya. Inaakala niya kasi na maaga itong magigising upang ipaghanda siya ng kanyang almusal.

“That’s good. Nagdeposit nga pala ako ng pera sa account mo. Para iyon sa panggastos niyo at allowance mo sa school. Kapag na-short ka, don’t hesitate to tell me. Okay?”

“Okay, papa. Thank you po ulit.” Naglalakad na siya papunta sa kusina upang magluto ng almusal. “Ibaba ko na po ito. Tinatawag na po ako ni mama para sa breakfast, e.” Pagsisinungaling niya.

“Sige. Ingat ka, anak. Bye.”

“Bye, 'pa.”

Nang marinig na ni Angela ang dial tone ay inilayo na niya sa tenga ang cellphone. Binuksan niya ang refrigerator at naghanap ng lulutuin.

Bigla niya tuloy na-miss iyong mga panahong normal pa ang kanyang mama. Ito ang nagluluto ng almusal niya bago siya pumasok ng school. Minsan, ito pa ang gumigising sa kanya. Kahit nagtatrabaho sa malayo ang papa niya ay masaya naman sila kahit dalawa lang sila bahay. Hanggang sa madiskubre ng mama niya na hindi naman pala nagtatrabaho sa malayo ang papa niya. Kaya pala madalas itong wala sa bahay nila ay dahil nasa tunay na pamilya nito ito. Doon na nila nalaman na kabit pala ng papa niya ang mama niya at siya ay isang anak sa labas.

Gumuho ang perpektong mundo noon ni Angela. Ang inakala niyang masayang pamilya ay isa palang kasinungalingan. Labing-tatlong taon siyang nabuhay sa kasinungalingan. At tatlong buwan na ang nakakaraan, nalaman ng tunay na asawa ng papa niya ang lahat. Sinugod nito ang bahay nila sa Manila at ipinahiya nito ang kanyang mama sa lahat ng kapitbahay nila.

School Trip 4: VendettaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon