LESSON 13- The Black Mirror

6.6K 270 38
                                    

LESSON 13
“The Black Mirror”

“I CAN’T believe na magbabaon ka ng paksiw na bangus, Angela! That’s gross! Tapos natapon pa talaga? Wala ka bang pambili ng pricey food container?” Narinig ni Charlotte ang tanong na iyon ni Morgan kay Angela

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

“I CAN’T believe na magbabaon ka ng paksiw na bangus, Angela! That’s gross! Tapos natapon pa talaga? Wala ka bang pambili ng pricey food container?” Narinig ni Charlotte ang tanong na iyon ni Morgan kay Angela. Pababa na ang mga ito ng bus habang siya ay nasa baba na. Nasa mental health hospital na sila kung saan sila mag-o-outreach program.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Charlotte na iniligtas siya ni Angela mula sa pagkakapahiya. May mga tao pa rin pala talaga na kahit gawan mo ng masama ay kabutihan pa rin ang isusukli sa iyo. Kung hindi nito inako ang ulam niya paniguradong ipinahiya na siya ni Morgan at pinagtatawanan pa rin siya hanggang ngayon.

“Ipinagluto kasi ako ng nanay ko. Actually, favorite ko iyon!” sagot ni Angela.

“Eww!!! Pwede ka namang bumili ng food sa mga fast foods na malapit dito, 'no? You don’t need to bring baon!” ani Paris.

Nagtama ang mata nila ni Angela nang bigla itong tumingin sa kanya. Sinimangutan lang niya ito at pinaandar ang wheelchair palayo dito.

Tinawag na sila ng kanilang teacher at binigyan sila ng instruction kung ano ang mga magiging activities nila. Una ay magpapakain sila sa mga pasyente at mamimigay ng mga dala nilang donations. Tapos kaunting palaro at program. At ang last part ay kailangan nilang kumausap ng isang pasyente at alamin nag kwento nito. Pero dahil malapit na nag lunch time ay sinabihan muna sila ng guro nila na mag-tanghalian muna. Marami naman daw malapit na kainan kaya doon na lang daw sila kumain.

Napamura na lang si Charlotte nang maalala na natapon nga pala ang ulam niya. Wala na siyang kakainin para sa tanghalian. Wala pa naman siyang dalang pera dahil hindi siya binigyan ng mommy niya. Wala pa raw kasing sahod ang daddy niya kaya magtiis daw muna siya sa baon niyang pagkain. Nakaramdam tuloy siya ng pagkahili sa mga kaklase niyang grupo-grupong naglalakad papunta sa mga kainan. Nakakainggit hindi lang dahil may pambili ang mga ito kundi may mga kaibigan ang mga ito habang siya ay mag-isa.

“Charlotte…”

Napalingon siya sa kanyang likod nang may tumawag sa kanya. Awtomatiko ang pagsimangot niya nang malamang si Angela iyon.

“Kung inaakala mo na magpapasalamat ako sa ginawa mo kanina, you’re wrong! It’s your choice para akuin ang kahihiyan ko!” mataray niyang sabi dito.

“Hindi ko naman talaga hihingin ang pasasalamat mo. 'Andito ako para i-treat ka ng lunch. Alam ko kasi na wala kang pagkain kasi natapon 'yong ulam mo kanina.”

“Pwede ba? Hindi ko kailangan ang panlilibre mo? Leave me alone! Sumama ka na lang do’n sa mga kaibigan mo na kaibigan ko dati!”

“Pero, magugutom ka--”

“E, ano naman sa iyo kung magutom ako? Wala kang pakialam! Buhay ko 'to! Mind your own business!”

“Gusto ko lang namang tulungan ka.”

School Trip 4: VendettaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon