LESSON 09- Welcome To The Club!

6.5K 234 16
                                    

LESSON 09
“Welcome To The Club!”

“M-MORGAN?” Halos mabaliw si Angela nang tuluyan nang ipakita sa kanya ng taong pumatay kay Sasha ang mukha nito. Wala siyang mabakas at makitang pagsisisi sa mukha nito bagkus ay nakangisi lang ito na para bang proud ito sa ginawa nito. “Bakit?” Hindi pa rin makapaniwalang tanong niya.

“Hmm… Wala lang. Trip ko lang siyang patayin! At ngayon, ikaw naman ang isusunod ko!”

Mariing napapikit si Angela nang sumugod si Morgan sa kanya habang tangan ang kutsilyo. Malakas siyang napasigaw sa sobrang takot. Dahil din doon ay hindi na niya maigalaw ang kahit na anong parte ng kanyang katawan. Hinintay na lang niya ang pagsaksak at pagbaon ng kutsilyo sa kanyang katawan.

Nakarinig siya ng tawanan. Iminulat niya ang kanyang mata at nakita niyang tumatawa si Morgan sa harapan niya. Sunod ay lumabas mula sa kung saan sina Kelly at Paris na tumatawa rin. Nagulat siya at napaatras nang gumalaw at tumayo si Sasha.

Buhay ito?!

Tumatawa rin si Sasha. “Fake blood!” anito sabay hawak sa dugo sa leeg.

Doon lang unti-unting nag-sink in sa utak ni Angela ang lahat. Napatulala lang siya at hindi malaman ang magiging reaksiyon. “Ibig bang sabihin ay…” Halos wala na siyang maisip na sabihin dahil sa sobrang takot at kaba kanina. Na-blanko na talaga siya.

Inakbayan siya ni Morgan. “Yes! This is just a prank! Welcome to the club, Angela!” deklara nito.

“Woooh!!! Party na!” sigaw naman ni Paris at inilabas nito ang alak sa bag.

Si Kelly naman ay nagpatugtog ng party songs sa phone nito at nag-umpisa nang sumayaw ang kanyang mga kasama habang umiinom ng alak.

-----***-----

MADALING araw na ng makauwi si Angela sa bahay nila. Malapit na siya sa bahay nila nang makita niya si Chelsea na nakatayo sa tapat ng kanilang pintuan. Hindi siya uminom kanina kahit anong pilit nina Morgan. Alam niya kasing maaamoy ng nanay niya ang alak kaya hindi niya talaga ginawa ang pag-inom.

Malalaki ang mga hakbang na nilapitan niya si Chelsea. Bagsak ang mukha nito at namumugto ang mga mata. Halatang galing sa pag-iyak.

“Chelsea, anong ginagawa mo dito?” tanng niya.

“Hinihintay kang bumalik. Nang tumawag ako kanina, nasa labas lang ako ng bahay niyo at nakatago. I saw you left kaya hinintay kita,” sagot nito sa seryosong boses.

“Pero bakit?”

“Can I come in? Malamig dito sa labas. Doon na lang tayo sa loob ng bahay niyo mag-usap.”

“Okay. Sige!” binuksan niya ang pinto at pinapasok si Chelsea.

Pagkasara niya ay umupo silang magkatabi at magkaharap sa sofa.

“Chelsea, I am so sorry. Hindi ko talaga alam na--”

“Tama na. Nangyari na, Angela. Ikaw na ang pinili nina Morgan at hindi ako. Wala na akong magagawa, 'di ba?”

Napahinga nang malalim si Angela. Marahil ay kailangan niyang ipaliwanag dito ang lahat para mas maintindihan siya nito. “Alam mo, ang totoo niyan ay nagkamali lang sina Morgan sa pagpili sa akin. Hindi kami mayaman. Iyong ten million, iyon lang ang pera na meron kami ng nanay ko. Wala nang iba. Ngayon, natatakot akong malaman ni Morgan na mahirap naman talaga kami kasi baka paalisin niya ako sa school o kung ano ang gawin niya sa akin…” Napahinto sa pagsasalita si Angela nang mapansin niyang parang hindi naman nakikinig sa kanya ang kausap. Pagala-gala ang mata nito sa kabuuan ng bahay nila. “Chelsea?” tawag niya dito sabay hawak sa braso.

School Trip 4: VendettaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon