LESSON 02- Five Queens

10K 302 54
                                    

LESSON 02
“Five Queens”

AFTER ng dalawang subject ay tumunog na ang buzzer ng school

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


AFTER ng dalawang subject ay tumunog na ang buzzer ng school. Hudyat ng break time. Naglabasan na ang mga kaklase ni Angela habang siya ay naiwan mag-isa dahil inaayos pa niya ang kanyang gamit. Isinukbit na niya ang bag sa kanyang balikat at paglabas niya ay nakita niya si Chelsea sa may gilid ng pintuan.

“Sabay na tayong kumain sa canteen,” yaya nito sa kanya.

“Sige,” pagpayag niya. Tutal parang ito lang naman ang may gustong makipagkaibigan sa kanya.

Burger at softdrinks ang in-order nilang dalawa. Nang makakita sila ng bakanteng table ay doon na sila kumain.

Habang kumakain ay nakita ni Angela sa table na nasa gitna ang limang babae na kinaiinisan niya. “Oo nga pala, bakit parang takot na takot kayo sa mga iyon? Porket sila ang mag-ari ng school, nagre-reyna-reynahan sila dito?” Inginuso niya ang lima na sinundan naman ni Chelsea.

Inusog ni Chelsea ang upuan nito para mas lumapit sa kanya. Luminga-linga pa ito na para bang sinisuguro nitong walang makakarinig sa kung anuman ang sasabihin nito. “Dahil sila talaga ang reyna dito sa Trinity, Angela. Ang tawag sa kanila ay Queens! Except kay Charlotte, ang family ng apat pa ang may-ari nitong school. Si Charlotte ang naging parang leader nila dahil kahit hindi isa sa mag-ari ng school ang family niya ay ubod ito ng yaman. Kilala mo naman siguro ang mga Alcantara, 'di ba?”

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Angela sa sinabi ni Chelsea. Napainom tuloy siya sa softdrinks niya.

“Namumutla ka. Are you okay?”

“I’m o-okay. Ano lang… M-mayaman nga ang mga Alcantara…”

“'Di ba? Kaya ka siguro namumutla dahil sa takot, 'no? Hindi mo dapat sila kinakalaban, Angela. Kaya ilag ang lahat sa kanilang lima. Lahat kasi ng gawin nilang lima ay walang nakakapigil. Masyado nilang inaabuso ang pagiging mayaman nila. Now, ipapakilala ko sila sa iyo isa-isa…”

“Okay. Sige…” sagot ni Angela.

“Iyong babaeng kulay brown nag buhok na palaging red ang lipstick ay si Charlotte Alcantara. Ang leader ng Queens. She’s the evil queen! The Queen Bitch! That girl naman with short hair na hanggang batok is Morgan Elizalde, siya ang right hand ni Charlotte. Sa lima, sila ang bestfriends. 'Yong cute chubby-faced girl naman is Sasha Ynarez. She’s all beauty lang but no brain. In short, tatanga-tanga.” Humagikhik pa si Chelsea. “Iyong petite naman ang medyo curly-curly ang hair ay si Paris Lane. Next to Charlotte, siya ang kasunod na mayaman. Sobrang materialistic. Look at her jewelries-- parang ang bigat-bigat, 'di ba? Ang lastly, the serious one is Kelly Go. Wala akong masyadong alam sa kanya. Palagi siyang tahimik pero parang siya ang pinaka mabait sa kanilang lima.”

Mukhang tama si Chelsea na si Kelly ang pinaka mabait sa lima dahil ito 'yong nagsabi na baka siya iyong newcomer kaya hindi niya kilala sina Charlotte.

School Trip 4: VendettaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon