LESSON 10- Bitch Versus Bitches

7.1K 276 23
                                    

LESSON 10
“Bitch Versus Bitches”

ISA lang ang lugar na naisip ni Angela kung nasaan sina Morgan-- sa rooftop. At hindi nga siya nagkamali dahil nandoon nga ang apat na miyembro ng Queens. Naabutan niya ang mga ito na nagtatawanan at masayang nag-uusap. Naulinigan niyang pinag-uusapan ng mga ito ang ginawa ng mga ito kay Charlotte.

“Tama nga ako na kayo ang may gawa niyon kay Charlotte,” aniya pagkalapit niya sa apat. “Hindi ba pwedeng tigilan na lang natin siya o huwag nang mang-bully ng ibang estudyante?” Diretsong sabi niya sa mga ito.

Napatingin sa kanya si Morgan sabay taas ng kilay. “Ang OA mo, Angela! Saka teka nga, hindi ka ba masaya na ginawa namin iyon sa kanya? Parang nakaganti ka na rin kasi ikaw ang binu-bully niya before! Hindi ba pwedeng magpasalamat ka na lang sa amin?” anito.

“Oo nga naman!” ani naman ni Paris. “You should be thankful at hindi 'yong nagagalit ka diyan. We are the queens ng school na ito at lahat ng gusto nating gawin ay pwede nating gawin!”

“Pero huwag naman sanang pati ang manakit ng kapwa natin! Mali iyon, e!” giit niya. “Kung ito ang kahulugan sa inyo ng pagiging queen… ayoko na!”

“Hey! Hey!” Itinulak siya ni Morgan. Agad siyang nakaramdam ng takot sa tingin pa lang nito sa kanya. “Ikaw, Angela, masyado kang maarte, ha! Ang dami mong sinasabi! Bakit ba hindi ka na lang sumabay sa amin? Marami ang gustong maging miyembro ng grupong ito and you are damn lucky dahil ikaw ang napili namin para pumalit kay Charlotte!” Tumalikod ito at naglakad papunta sa gilid ng rooftop. “Isa pa, dapat lang naman iyon kay Charlotte. Matagal na kaming naiinis sa kanya. She’s a ultimate brat! Ang lakas ng loob niyang tawagin ang sarili niya noon na Queen Bitch, e, kahit piso walang shares ang family niya sa school na ito!”

“Pero dati niyon kaibigan si Charlotte. Hindi niyo ba naiisip 'yon?”

“Ikaw na rin ang may sabi na kaibigan namin siya dati. Dati at hindi na ngayon. Matagal na naming balak na patalsikin siya. Hinihintay lang namin na bumagsak ang pamilya niya dahil iyon lang ang way to dethroned her. At nangyari na… Thanks to Kelly’s suggestion.”

Nalilitong napatingin si Angela sa tahimik na si Kelly. “A-anong ibig mong sabihin?”

Muling humarap sa kanya si Morgan. “Well, gaya nga ng sabi namin marami ang gustong mapabilang sa Queens at isa sa mga kilala namin ay si Chelsea. Si Kelly ang nagpayo kay Chelsea na pabagsakin ng family nito ang business ng family ni Charlotte at kapag nagawa iyon ng Chelsea, isasali namin siya sa amin. But that was a joke! Inuto lang naman siya ni Kelly. And besides, kahit mayaman si Chelsea, she’s not qualified. Hindi siya maganda! Kaya ikaw ang pinili namin kaya be proud at kung ano ang ginagawa namin, gawin mo rin! We are their queen kaya dapat tayo ang nasusunod sa school na ito, Angela!”

Napailing na lang siya sa rebelasyong nalaman.

Mukhang kahit anong sabihin ni Angela ay hindi siya papakinggan ng mga ito. Suko na siya. Masama ang loob na umalis siya sa lugar na iyon. Pagbaba niya ay nakasalubong niya si Benjamin.

“Angela, saan ka galing?” tanong nito sa kanya.

“Wala…” Binilisan niya ang paglalakad upang makalayo agad dito. Huminto siya nang makitang nakasunod pa rin ito sa kanya. “Benjamin, please, 'wag mo akong sundan.”

“Bakit hindi? Girlfriend kita.”

“Alam mo naman na si Morgan ang sumagot sa iyo at hindi ako. Hindi mo ako girlfriend, okay? Hindi ako ganoon kadaling ligawan na haharanahin mo lang ay bibigay lang. Hindi ako easy girl para sa pagkakaalam mo.”

Huminga nang malalim si Benjamin sabay taas ng dalawang kamay. “Okay. Naiintindihan ko. Hindi pa tayo, hindi pa kita girlfriend. Pero let me court you. Seryoso ako sa iyo, Angela. Sana naman ay nararamdaman mo iyon.”

School Trip 4: VendettaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon