Lie #1: I ate noodles with a stranger

Start from the beginning
                                    

EVERYDAY rountine ko na pagpunta sa Mcdonalds bago pumasok. Hindi para bumili ng burger meal o happy meal. Nakikigamit ako ng CR nila para baguhin ang itsura ko.

Sa totoo lang nakokonsensya na nga ako, eh. Si mama kasi kinacarreer ang paglalagay ng make up sakin at pag aayos ng buhok. Pang mayaman daw na school ang Phylisse kaya dapat presentable ako lagi. Kaso sabay eto ako once na lumabas ng bahay guguluhin din.

Kumuha ako ng Kleenex sa back pack ko at binasa yun. Pinahid ko ng madiin sa mukha ko. Ugh feeling ko anytime mabubura na tong mukha ko. Sa araw araw ba naman ganito ang ginagawa ko eh.

Ng masiguro kong wala na talaga. Napangiti na lang ako. Tinanggal ko na din yung ponytail ko at inayos ang buhok ko gamit ang mga daliri ko. Perfect Erica. Just plain simple. Hindi kailangan ng make up para masabing maganda.

Pag dumadating naman ako school as usual walang nakakapansin ng presence ko. Sanay naman na ako. Sa two weeks na stay ko dun ganun na sila. Kapag bumukas ang pintuan at pumasok ako, mga two seconds lang nila akong titignan sabay babalik na sa mga ginagawa nila. Well, nakaapekto din siguro yung eksenang ginawa ko nung first day.

Nagpakilala ako nun sa harapan. Hindi ko naman inaasahan din na may pagka demonyo ang ilan sa mga kaklase ko. Paglakad ko papunta sa upuan ko, pinatid ako nung isang lalaki. Nadapa ako. As in dapang dapa! Tapos nagtawanan ang lahat.

Nainis ako. Hindi ko naman ugaling magpatalo. Kaya bumangon ako nun agad. Nung kokomprontahin ko na yung lalaki, laking gulat ko ng may sumapak na lang sa kanya bigla.

And I was like, Oh my gosh. I found myself an instant hero.

Naglakad na ako papuntang building namin. Malaki kasi ang compound ng school at madami pang mga halamang magaganda kaya mapapahinto ka talaga para tignan sila. Hindi ko maiwasan mapangiti na parang baliw kapag naaalala ko ang lalaking yun. Kaso nga lang may pagka snubber. Nag thank you ako after nun sabay ngisi lang ang isinagot niya.


"Hi bes!"


"De poota!" sigaw ko sa gulat ng may bigla na lang umakbay sakin. Si Annabeth lang pala


"Yang bibig mo ah! Para kang di babae! Pwede ba, kapag nandito ka sa vicinity ng Phylisse Academy umakto ka naman na parang Maria Clara" saway niya pa. As if gagawin ko naman yun!


"Tigilan mo ako Annabeth Dela Vega!" tinanggal ko ang braso niyang nakaakbay sakin at hinampas sa kanya ang back pack ko pero mabilis siyang nakailag.


"Nyenyenye. Oo na titigil na ako napipikon ka na eh. Uy tama ba yung nasagap ng radar ko? Nung first day daw niligtas ka nung apo ng president ng school nung nadapa ka" di ko akalain na kumalat pala ang nangyaring yun.

Imagine nasa first section ako, tapos si Annabeth nasa last section para nakarating sa kanya? Hays ilang tao ang nagpasa pasa sa balitang yun? Yes she's my bestfriend pero hindi ko yun sinabi sa kanya dahil pagtatawanan niya lang ako

But wait, apo ng president ng school?


"Seriously--"


"Oo seriously apo nga ng president yun! Si Derick Lusterio. Gaa, kaklase mo hindi mo kilala? Tsk, kaya naniniwala akong may pandaraya talaga ang pag pick ng section dito eh. Akalain mo yang maliit na utak mo nasa star section? Unbelievable"

Napailing na lang ako. So that explains kung bakit aloof ang mga kaklase ko sakin. Iniisip siguro nila na ang Derick na yun ang makakalaban nila kapag may ginawa sila sakin na masama. Hmm, somewhat comforting, pero intimidating din. As if hindi ko naman kayang protektahan ang sarili ko.


The Wicked Liar 1: The Lying Formula [PUBLISHED BY POP FICTION]Where stories live. Discover now