Chapter 31:❤️Trouble

Start from the beginning
                                    

"Kahit na dapat hinay-hinay lang baka mabilaukan ka paglamayan ka na bukas. Hahaha!"

"Huy hindi magandang biro yan ha baka mamaya niyan magkatotoo paglamayan na nga ako bukas"

Pagkatapos naming kumain nagpalit na agad kami ng damit para makapag-taping na kami. Ang nakakainis pa kakakain lang namin ang scene na gagawin namin eh kakain baka naman lumobo nanaman ako nito ulit katulad nung bata pa ako.

~~~

Mag-gagabi na at nagtataping pa rin kami hanggang ngayon pero break muna ng 10 minutes. Pumunta ako sa may CR para umihi pero hindi ako pinapasok dahil marumi raw ang CR at walang tubig.

"San ka galing Julia?" Tanong naman ni Quen sa akin.

"Sa may CR kaso hindi ako pinapasok dahil wala raw tubig at madumi. Eh saan ako iihi?"

"Iihi? Dun sa may mpgubat duon wag dito may mga tao eh"

"Samahan mo ako" Nakakatakot kasi ang dilim eh.

"Ayoko nga hindi naman ako babae para samahan ka eh magpasama ka kay Ate Cherry"

"Nagmememorize si Ate Cherry ng script oh kasi mahaba ang lines niya. Di bale ako na nga lang"

"Cge mag-ingat ka ha! Baka may multo diyan!"

"Che!" Sigaw ko sa kanya at pumunta na sa may gubat. Akala ko ang lapit lang ang layo rin pala. Nang makarating ako umihi na agad ako. Grabe ang daming naipon simula kaninang umaga.

Babalik na sana ako pero may narinig ako na parang gumagalaw sa may mga mahahabang damo na nakatayo.

"Si-sino yan?" Kinakabahan kong tanong. May narinig naman ako na parang ingay nito. Wag mong sabihing baboy ramo.

Nakita ko naman na gumagalaw ang damo at parang papalapit ng papalapit sa akin. Imbis na papunta sa set ako tumakbo. Tumakbo ako sa ibang direksyon papunta sa isang lugar na madilim at nakakatakot. Hindi ko alam kung saan na ako nakakarating pero takbo lang ako ng takbo hanggang sa mapagod ako. Mukhang wala na yata ang baboy ramo ah. Napagod yata dahil sa sobrang katabaan.

Pero ang problema paano ako babalik?

-Enrique Gil Point of View-

10 minutes na ang nakakalipas pero si Julia hindi pa rin bumabalik kaya hinahanap na siya ng ibang Staff pati kaming mga casts, sobra na akong nag-alala kaya pumunta na ako sa may gubat na tinuro ko na kung pwede siya umihi kaso pag punta ko duon wala naman siya.

Julia nasaan ka na ba? Bumalik ako sa may set at nakita ko si Direk na sobrang nag-aalala.

"Hanapin niyo si Julia dahil mapanganib sa lugar na toh lalo na kapag gabi dahil maraming baboy ramo dito. Hindi agad ako na-inform kanina tungkol dito dahil kanina lang nag-send ang pumili ng lokasyon na toh"

"Teka nga lang sino ba huling kasama ni Julia kanina?" Tanong naman ni Enchong.

"Ako ang huling kasama ni Julia kanina. Iihi sana siya kaso daw hindi siya pinapasok dahil walang tubig at marumi ang CR kaya pinaihi ko siya dun sa may gubat dahil pwede duon walang makakakita pero hindi na bumalik eh"

"Ano ka ba naman Quen! Babae yun dapat sinamahan mo! Paano kung napahamak si Julia sinong mananagot!? Ikaw kasi ikaw ang nagsabi na dun siya umihi at hindi mo man lang sinamahan. Oo nga babae siya pero pwede ka naman tumalikod diba atleast may kasama man lang siya" Sabi naman ni Enchong.

Napahawak ako sa batok ko at agad bumalik sa may gubat. Julia sana naman walang nangyaring masama sa iyo please lang. Papatayin ko sarili ko kapag nagkataon.

A Life In Star World [COMPLETED]Where stories live. Discover now