Case 24 - Secret Lust

Start from the beginning
                                    

"Ano?" tanong sa akin ni Wanna Be na katabi ko nang nakatingin kay Papa at Kiel. "Naniniwala ka na bang kailangan mo ako?"

"Bakit nandito si Kiel?"

Paano si Ayen? Ang interviews nila?

"He's one of our sponsors. Hindi makakarating ang kapatid niyang si Zeil kaya siya ang nag-represent ng Zephyr, ang family-owned company nila."

Tumingin na uli ako kina Kiel at Papa, mukhang sobrang close nila. Hindi ko maiwasang mainggit.

"Iyon ang sinabi ng Director mo. Pero ayon sa mga nabasa ko tungkol kay Zeil Navarro, ang present CEO ng Zephyr.. wala pa siyang na-miss na importanteng bagay na may kinalaman sa kompanya nila. Kaya hindi malabong may iba pang pakay ang Director mo."

Napatingin ako sa kanya at nagsalubong ang mga mata namin. "Malakas ang kutob kong may kinalaman ito sa iyo, Suralvo."

"Hindi niya alam na nandito ako." agad na sagot ko, at napatingin na uli sa direksyon nina Papa.

Sakto namang nakatingin sa direksyon ko si Kiel. Gusto kong umiwas o tumalikod, pero hindi ko magawa.

Halos maduling ako sa lapit ng mukha ni Wanna Be nang pumuwesto siya sa harap ko para takpan ako.

"Hindi pa niya alam." pagtatama niya sa huling sinabi ko. "Pero hindi naman ikaw ang pinunta niya dito. Kundi ang Papa mo."

"Ha? Anong kailangan ni Kiel kay Papa? Ano bang alam mo?!"

Lumingon siya sa likod at tapos ay sa akin uli. "Lalapit siya dito."

Sisilip sana ako sa likod niya nang idikit niya ang noo niya sa noo ko.

"Wag. Hindi ka dapat niya makita."

My heart started to race.

(  -.-)(O///O )

Napatingin ako sa labi niya na unti-unting ngumiti.

/(O////O)\

"Let's go to my room."

(i_______i )

 

( >/////<)

 

( Ö...........Ö )

 

Ibinukas ko ang mga labi ko para magsalita pero hinila niya na agad ako. Mas mabilis kaysa sa kanina.

Dadalhin niya ako sa..

.. sa ano..

SLY {Fall for a Detective}  [O-N-G-O-I-N-G]Where stories live. Discover now