IV- Lihim (3.3)

46.7K 1.1K 224
                                    

''BAKIT wala 'yung van?''

''Karen and Ayanne used the van. Mamamalengke daw sila sa bayan ng mga gagamitin for our picnic tomorrow,'' sagot ni Siri sa tanong ni Vinz.

''Bakit di ka sumama?''

Tila nandidiri naman na sumagot si Siri. ''Eww! Just thinking how the palengke smells...? No way! Gross!'' at iniwan na nito ang tatlo sa salas.

-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-

ALAS-SIETE ng gabi...

Hindi mapakali sina Siri, Vinz, Winston at Jeric ng oras na iyon. Paano ba naman ay hindi pa rin umuuwi sina Ayanne at Karen mula sa pamamalengke ng mga ito sa bayan.

Labis silang nag-aalala para sa mga ito baka may di magandang nangyari sa dalawa.

Napawi lang ang kanilang pag-aalala ng dumating na sina Ayanne at Karen na may bitbit na mga plastik ng samu't-saring pagkain.

''Pasensiya na kayo guys kung ngayon lang kami nakauwi,'' ani Karen. ''Ng pauwi na kasi kami biglang nasira yung van. Mabuti na lamang at tinulungan kami ng mga tao na madala sa talyer iyong sasakyan...Unfortunately, ang sabi nung mekaniko baka next week pa maaayos ang van,'' paliwanag pa nito.

\u00e2\u20ac\u0153Tama si Karen. Actually, we had a hard time convincing those tricycle drivers na ihatid kami dito. Wala palang pumapasok na sasakyan sa lugar na ito,'' dagdag pa ni Ayanne.

Nagkatinginan sina Winston, Jeric at Vinz. Bakit ngayon pa nasira ang van kung kailan kailangan nila ito?

-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-

SINIMSIM muna ni Dara ang alak na nasa kopitang hawak niya at bigla iyong ininum.

Napapikit si Dara at may mga imaheng tumakbo sa kanyang isipan.

Ramdam niya ang haplos ng lalaki sa iba't-ibang parte ng katawan niya. Ang pwersahang pagpunit sa kanyang kasuotan. At...at...at...

''Aaahhhhh!!!'' malakas na sigaw ni Dara sabay bato ng kopita.

Tigam sa luha ang kanyang mga mata. Puno ng poot ang kanyang pagkatao!

SAMANTALA, sa kwarto ni Kara ay walang awa nitong sinasaksak ng matalim na kutsilyo ang isang itim na pusa!

ITUTULOY!

-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-

NAGUGULUHAN NA BA KAYO? PWES, MAS LALO KAYONG MAGUGULUHAN SA MGA SUSUNOD NA KABANATA!

Dara KaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon