III- Puno't Dulo (1.4)

48.8K 1.1K 43
                                    

III- Puno't Dulo

-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-

DAHAN-dahang naglalakad ang anim na taong gulang si Kara sa mahabang pasilyo sa ikalawang palapag ng kanilang mansion. Hawak niya sa kaliwang kamay ang isang papel na may drawing ng makukulay na paru-paru at mga orkidyas.

''Mama! Mama! Mama!'' tawag niya sa kanyang ina.

Ipapakita niya dito ang ginuhit niya sa munting papel. Siguradong magugustuhan nito ito.

Sa wakas ay narating na niya ang tapat ng pintuan ng mga magulang pero dagli siyang natigilan na pihitin ang seradura ng makarinig siya ng tila nagsisigawan sa loob ng kwarto.

Nagtatakang binuksan ng batang si Kara ang pintuan at ganun na lamang ang gulat niya sa nakita...

-=-=-=-=-=-

''AAAAHHHHH!!!''

Napabalikwas ng bangon si Dara ng marinig ang kalunos-lunos na panaghoy na pumunit sa tahimik na gabi.

''Kara?'' aniya at nagmamadaling tinungo niya ang kabilang kwarto kung saan naroong ang kapatid.

Nakita niyang nananaghoy si Kara sa veranda habang tila pinapanood nito ang bilog na buwan.

Agad niyang nilapitan si Kara at mula sa likod ay niyakap niya. ''Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?'' Mula sa likod ay nakita niya ang mga laslas ng blade sa braso ni Kara. Mukhang sinaktan na naman ang sarili.

''Ate...N-nakita ko...Huhuhu! Nakita kooo!!!'' humihikbing sagot ni Kara...

-=-=-=-=-=-

NAALIMPUNGATAN si Winston ng makaamoy siya ng kakaiba sa loob ng kwarto. Dalawa lamang ang kwarto sa resthouse nina Ayanne kaya naman napagkasunduan nilang anim na pagsama-samahin na lang ang mga lalaki sa isang kwarto at sa isa pang kwarto ang mga babae.

Papungas-pungas na kinapa ni Winston ang switch ng ilaw. At nanlaki ang mga mata niya ng makita ang dahilan ng kakaibang amoy sa kanilang silid.

Nakasalampak sa sahig sina Jeric at Vinz habang tila walang pakialam ang mga ito sa mundo na gumagamit ng shabu!

Namumungay at mapupula ang mga mata ng dalawa ng tingnan siya ng mga ito. Medyo napaatras pa siya ng tila demonyong ngumisi ang mga ito.

''Join us here, pare!'' anyaya sa kanya ni Vinz.

Dara KaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon