III- Puno't Dulo (2.4)

47K 1K 22
                                    

Mabilis pa sa alas-kwatro na umiling si Winston. ''A-ayoko. M-masama yan...''

Hindi naman lingid sa kaalaman ni Winston at ng buong barkada ang paggamit ng drugs nina Jeric at Vinz. Medyo nagulat lang siya dahil first time niyang mahuli ang mga ito sa akto.

Lumapit sa kanya si Vinz. Naamoy din niya ang alak sa hininga nito.

''Wag kang KJ, Winston. This is fun! C'mon,'' sabay akbay sa kanya ni Vinz.

''A-ayoko talaga...Kayo na lang!''

''Alam mo ba Winston, matagal na kaming duda ni Jeric sa'yo eh. Bakla ka ba?''

Tinamaan ang ego ni Winston sa tinuran ni Jeric. Tumapang ng bahagya ang kanyang mukha at inalis niya ang pagkakaakbay sa kanya ni Vinz.

''Hindi ako bakla! I'll prove it to you guys!'' Tinungo ni Winston ang kinapupwestuhan ni Jeric. Natatawa namang sumunod sa kanya si Vinz.

''Prove to us na hindi ka bakla!'' inabot sa kanya ni Jeric ang isang nakabilot na aluminium foil. May sindi iyon at umuusok. Sa pagkakaalam niya ay iyon ang shabu.

Kinuha niya agad iyon at ginaya niya ang ginagawang pagsinghot nina Vinz na ibinubuga noon. Ramdam niya ang pagpasok ng usok sa kanyang lalamunan patungo sa kanyang baga.

Matapos lang ang ilang sandali ay tulad na rin nina Jeric at Vinz si Winston sobrang high na sa drugs. Namumungay na rin ang kanyang mga mata at pakiramdam niya ay ang gaan ng kanyang katawan.

''Diba ang sarap ng feeling pre?'' sabi ni Vinz kay Winston. Hindi na nakasagot si Winston. Parang biglang uminit ang paligid niya kaya naman hinubad na niya ang kanyang t-shirt.

''Oh, bakit naghubad ka na ng damit pre?''

''Bigla akong ininit eh!'' sagot niya.

Dahil doon ay napagkasunduan ng tatlo na magtungo sa labas ng resthouse. Napakadilim sa labas at tanging ang bilog na buwan ang nagsisilbi nilang tanglaw.

''Ang dilim naman dito pare! Wala man lang tayong mati-trip dito!'' medyo inis na sabi Jeric.

Papasok na sana sila sa loob ng pigilan sila ni Vinz. ''Teka lang mga pare...Naririnig niyo ba iyon?''

''Ang alin?''

''Huwag kayong maingay para marinig niyo...''

Dara KaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon