I- Magkapatid (2.3)

61.8K 1.3K 24
                                    

''A-ang anak k-ko...'' nanghihina na si Senyora Caridad.

''Babae po ang anak nyo senyora!'' masayang sabi ni Manang Rosario.

Ilang sandali pa ang lumipas ng muling napangiwi si Caridad. Muling sumasakit ang kanyang tiyan. Tila may isa pang nilalang na gustong lumabas mula roon.

''Manang Rosario...P-parang sumasakit pa ang tiyan ko...Ahhh-ray!!!'' halata ang sakit at hirap sa mukha niya.

Napa-krus si Manang Rosario. ''Diyos ko! Kambal yata ang isisilang niyo!''

**********

TAONG 2012...

''ANDITO na ba ang lahat?'' tanong ni Ayanne pagkasakay niya ng van.

Papunta kasi sila ng barkada niya sa Batanes kung saan siya lumaki. Ang mga kaibigang kasama niya ay sina Jeric, Winston, Vinz, Karen at Siri. Kaka-graduate lng nila sa kolehiyo at napagkasunduan nilang mag-outing kahit one week man lang. Parang celebration na rin iyon sa tagumpay na naabot nilang anim na magkakaibigan.

''As usual...Wala pa ang primadonang si Siri!'' nakatirik ang mga matang sagot ni Karen.

''Did someone mention my beautiful name?'' napatingin ang lahat sa taong kapapasok pa lamang sa van.

Walang iba ito kundi ang friend nila na si Siri.

''The trying-hard is finally here!'' pagpaparinig ni Karen kay Siri.

Matalim na tinitigan ni Siri si Karen. Sa barkadahan nila, ang dalawa ang laging mag-kaaway at hindi magkasundo.

Pawang magaganda at gwapo sila. Palibhasa mga anak mayaman kaya afford nila ang mga ganoong bakasyon.

''Okey guys, let's go. Mag-drive kana Vinz'' pagkasabi noon ni Ayanne ay pinaandar na ni Vinz ang sasakyan.

**********

''KARA? KARA? Nasaan ka Kara?'' dahan-dahang binuksan ni Dara ang pintuan ng kwarto ng kapatid at kakambal niyang si Kara.

Napangiti siya ng makitang nakasiksik ang kakambal sa madilim na sulok ng kwarto nito.

Kapwa bente-sais anyos ang kambal. Hindi rin sila magkamukha kaya naman sobrang magkalayo rin ang pag-uugali nila.

Si Dara ang itinuturing na panganay. Masayahin, palakaibigan at siyang namamahala sa manggahan nila dito sa San Delfin. Ang San Delfin ay isang maliit na bayan sa Batanes.

Dara KaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon