II- Putahe (1.3)

54K 1.2K 24
                                    

II- Putahe

PAGKATAPOS maipasok lahat ng gamit sa resthouse ay naghanda ng sandwich at juice si Ayanne para sa kanilang magkakaibigan.

Sa kanilang anim, si Ayanne ang pinaniniwalaan ng lahat dahil matapang at matalino siyang babae. Si Kathy naman ang pinakaseryoso at moody sa lahat kaya naman madalas na makaayaw nito ang maarte at sosyalerang si Siri.

Sa mga lalaki naman, si Winston ang nerdy boy at pinakamatatakutin. Pasaway, makulit at partners in crime naman ang magpinsan na sina Jeric at Vinz.

''Snack muna tayo guys'' At inilapag ni Ayanne ang tray ng pagkain sa mesa na nasa living room.

Agad na nag-agawan na parang bata sina Jeric at Vinz kaya naman sinaway ito ni Ayanne.

''By the way Ayanne, ano naman ang exciting sa lugar na ito? Liblib na liblib at isa lang ang kapitbahay natin...'' tanong ni Kathy.

''We can do camping. As you can see guys, napapalibutan tayo ng gubat. And i am sure magugustuhan niyo ang falls na makikita sa gubat!''

Biglang tumayo si Siri at naglakad-lakad. ''I just realized guys na going here is really a bad idea!''

''Here we go again...'' bulong ni Kathy.

''Bakit naman bad idea?'' tanong ni Vinz at lumapit pa ito kay Siri. ''Ayaw mo nun Siri, masosolo na kita...'' at inakbayan pa nito ang babae.

Tila nandidiring inalis ni Siri ang mga braso ni Vinz sa kanyang balikat.

''Eww! Keep on dreaming Vinz but you can't have me!'' mataray na sabi ni Siri.

Natigilan ang lahat ng may biglang kumatok sa nakasaradong pintuan ng resthouse.

Nagkatinginan ang anim na magkakaibigan.

Si Ayanne ang tumayo upang buksan ang pintuan. Nakasunod naman sa kanyang likuran ang mga kaibigan niya.

Pagkabukas niya ng pintuan ay bumungad sa kanya ang isang magandang babae. Maputi ito at hanggang beywang ang itim nitong buhok.

''Magandang umaga!'' maaliwalas na bati ng babae. ''Ako nga pala si Dara Avilliante. Diyan ako nakatira sa mansion na kalapit niyo...''

Dara KaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon