III- Puno't Dulo (3.4)

46.3K 1K 58
                                    

Ganun nga ang ginawa nina Winston, tumahimik sila at nakarinig sila ng tila nabulabog na tubig. Parang may naliligo sa swimming pool sa kabilang bakod.

Nagkatinginan ang tatlo at dahan-dahan nilang inakyat ang di kataasang pader na naghahati sa resthouse at sa mansion ng mga Avilliante.

Bagaman at balot ng dilim ang kapaligiran ay natatanaw ng tatlo ang isang bulto ng babae na nakatayo sa gilid ng swimming pool. Nakatingala ito at tila pinagmamasdan ang nagmamalaking buwan. Ilang sandali pa ay dahan-dahang lumusong ang babae sa tubig. Naglunoy ito sa malamig na tubig ng pool.

''Teka mga pare, si Kara yata iyan ah. Iyong babaeng nagpunta sa resthouse kanina\u00e2\u20ac\ufffe may pagnanasa sa mga mata na sabi ni Vinz habang titig na titig na pinagmamasdan ang paglalangoy ng babae.

''Siya nga yata! Ang sexy pala niya kahit sa dilim'' pagsang-ayon ni Jeric.

Makalipas pa ang ilang minuto ay tila napagod ang babae at humiga na lang ito sa gilid ng pool.

Nagkatinginan sina Jeric at Vinz. Ngumisi na parang mga demonyo ang dalawa. Parang iisa ang nasa isipan ng mga ito.

Nagulat na lang si Winston ng biglang tumalon ang dalawa sa kabilang pader.

''Hoy, anong gagawin niyo?'' halos pigil ang pagsigaw na tanong ni Winston.

''Diba ang sabi mo kanina naiinitan ka? Pwes lalo tayong magpapainit!'' nakakalokong sagot ni Vinz.

Naguguluhan man ay tumalon na rin pakabila ng pader si Winston. Dahan-dahan na lumakad ang tatlong lalaki papalapit sa babaeng nakahiga sa gilid ng pool. At dahil doon ay nagkaroon na ng ideya si Winston sa gagawin nila. Gustuhin man niyang umatras na lang o pigilan ang dalawa ay hindi niya magawa dahil baka kantiyawan na naman siya nina Jeric at Vinz. Isa pa nasa ilalim pa siya ng espiritu ng bawal na gamot kaya naman nakakaramdam din siya ng excitement.

Natigilan ang tatlo ng biglang bumalikwas ng bangon iyong babae at nagpalinga-linga ito sa paligid. Parang naramdaman nito ang kanilang presensiya.

''M-may tao ba diyan?'' may halong takot na turan ng babae.

Dara KaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon