I- Magkapatid (3.3)

54.6K 1.3K 80
                                    

Samantalang si Kara naman ay malaking kabaligtaran ni Dara. Lumaking takot ito sa tao, matatakutin at mapag-isa ang dalaga.

* * * * *

NAGTATAKBO papasok ng bahay si Kara ng makakita siya ng isang van na tumigil sa tapat ng bahay na katabi ng mansion nila.

Sa pagtakbo niya papasok ay nabangga niya si Yaya Minerva. Matagal na itong naninilbihan sa kanila.

''O bakit parang takot na takot ka?'' nagtatakang tanong ni Yaya Minerva sa kanya.

Hindi niya ito sinagot bagkus ay nagmamadali siyang umakyat sa kwarto ng ate Dara niya. Takot siya sa tao at tanging ang ate Dara lang niya ang pinagkakatiwalaan niya.

Nasumpungan niyang nagbabasa ng aklat ang ate Dara niya sa kama nito. Dagli siyang lumapit sa kapatid at mahigpit na yumakap dito.

''Kara? Anong nangyari? Bakit parang takot na takot ka?'' may halong pag-aalala at pagkabigla na tanong sa kanya ng ate Dara niya.

''A-ate, m-may tao sa kabilang bahay...N-natatakot ako ate! S-sasaktan nila ako!''

Napangiti ang ate Dara niya at masuyong hinaplos nito ang kanyang buhok.

''Shhh...Hindi ka nila sasaktan. At isa pa, hanggang andito ang ate walang pwedeng manakit sa'yo...'' pag-aalo nito.

Matamang tiningnan ni Kara si Dara. ''T-talaga, ate?''

''Oo naman. Hindi ba't iyan ang pinangako ko bago mamatay ang Papa at Mama?''

Tumayo ang ate Dara niya at sumilip sa bintana. Sumilip na din siya at nakita niya sa kabilang bahay ang isang grupo ng kabataan. Tatlong lalaki at tatlo rin ang babae. Masaya at nagtatawanan ang mga ito habang binababa ng mga ito ang mga bagahe na nasa loob ng sasakyan.

''Sila ba ang kinatatakutan mo Kara?'' tanong ng ate Dara niya.

Tumango siya bilang pagsagot.

''Huwag kang mag-alala...Akong bahala. Kakaibiganin ko sila para hindi ka nila masaktan at para malaman din natin kung mapagkakatiwalaan ba sila...'' ngumiti pa sa kanya ang ate Dara niya na sinuklian din niya ng isang ngiti.

* * * * * * * * * *

ANONG LIHIM ANG BUMABALOT SA MAGKAPATID NA DARA AT KARA?

ITUTULOY...

Dara KaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon