Chapter Twenty-One

Start from the beginning
                                    

Kinagabihan

Nasa rooftop kami ng condo ni Gian ko. Ang ganda tingnan ng mga view sa ibaba ng building. Magkasama kaming dalawa rito. Simpleng date sabi pa niya. Naka-off din ang mga cellphones namin. Aminado kaming tatawag talaga sina kuya sa amin.

Nakaakbay sa akin si Gian ko habang nakasandal din ako sa kanya.

"Matakaw, ang ganda ng buwan, oh. Naalala ko na lang noong nasa province pa ako ay  madalas kasama ko sina tatay at nanay. Na-mi-miss ko na rin sila." sa sinabi niyang iyon ay naalala ko rin sina mama at papa. Kumusta na rin kaya sila?

"Gian ko, di'ba Sabado naman bukas? Ano kaya kong pupunta tayo sa province. Susurprisahin natin si Lola Ayesha. Total, dala ko naman ang kotse ko." nakangiti kong sabi sa kanya.

He hugged me so tight and I like the way he hugged me. That feeling na I'm always safe to be with him.

"Pinasaya mo naman ako, Kayesmile ko. Sige, pupunta tayo at dapat mamayang madaling araw tayo bibiyahe."

"Paano ang mga pasalubong ko kina lola at sa nanay at tatay mo?" Oo nga naman. Mahilig si lola ng mga pasalubong.

Umiling siya at hinawakan ang baba ko, " Ikaw ang dahilan kung bakit naging masaya ako ngayon, Kaye. Sana, sa susunod huwag mo nang tatakbuhan ang kuya mo, huh? Mahal na mahal kita, dirty face tandaan mo iyan." napakaromantic mo naman, Gian ko. Tinitigan ko siya sa mata and I smiled to him.

"Siguro, kung hindi mo lang ako binato ng bunga ng mangga ay habang buhay ka nang unggoy ngayon." sabi ko na natatawa. Pinisil ba naman niya ang ilong ko.

"Mahal mo naman ang unggoy na sinasabi mo, hindi ba?"

"Hindi lang mahal, Gian ko. Mahal na mahal talaga kita. Hindi ko kakayaning mawala ka sa buhay ko." sabay pa kaming napangiti sa isa't isa.

Kasabay ng ngiti na iyon ay  nagkatitigan kami.  I recognized his face  and suddenly he kissed me on my lips.

Whoah!

What an effin damn so good. Ano raw? Wala nga, eh. Kinilig lang po ako. Hinalikan ako ni ugly face ko.

Namumula ang mga pisngi ko, I knew it. Marahan niyang binitawan ang labi ko and he smiled so naughty.

"The sweetest lips I had ever kiss. Tara na matakaw, matutulog na tayo. Maaga pa tayong aalis mamaya."

Namumula na naman ang mga pisngi ko sa sinabi niya.

Inalalayan niya akong tumayo at pagkatapos ay  akala ko aalis na kami sa rooftop but I was wrong. Hinapit niya ako sa beywang and he started to dance with me. He also hold my hand.

"Ikaw na nga ang perfect boyfriend na nakilala ko. Wala man lang bang music, ugly face?" I pouted.

Nakaka-unique naman ang date na ito. Isinasayaw niya ako sa ibabaw ng rooftop ni wala man lang music. Oh sige, pero I liked this. I'll never experienced this when I and Jules are still together.

He whisper on my ears, "Hayaan mong ang tanging buwan lang ang saksi nang lahat ng ito, dirty face." I looked in his eyes. I was mesmerizing by his sincerity, by his love and his caresses.

"Walang iwanan, Gian ko, huh?" at masuyo ko siyang hinalikan sa labi niya.

Sorry, nanggigil lang kasi ako sa napakacute niyang lips. Oh, SPG po ba ako? Hindi naman. Nasa right age na ako.

Maya-maya pa'y bumalik kami sa loob ng condo. Inihanda na ni Gian ko ang kwarto na tutulugan namin. He insist na sa iisang kwarto lang kami. Tumango naman ako kasi I knew his gentleman. Hindi siya gagawa ng mga bagay na siyang ikakagalit ko.

Unexpected Love Of Yours [COMPLETED]Where stories live. Discover now