S-siya pala......

"Ang pangit nang pagkikita natin ulit, Serenity."

Sabi niya na may tipid na ngiti sa labi. Inalahad niya sa akin ang isang panyo. Kinuha ko iyon at agad na pinunasan ang mga luha ko.

"S-salamat."

Nagpakawala siya ng hangin. Halata na nabibigatan na siya masyado sa kasong hinahawakan niya. Tumanda ang itsura niya, di tulad ng una ko siyang makita. Kung dati na parang bento anyos lang siya, ngayon ay parang trenta anyos na.

"Ayoko na ganyang tingin. Sinasabi mo na tumanda ako sa sobrang stress."

Iniwas ko ang tingin sa kanya at tinuon ang pansin sa paligid. Magaling talaga siyang Detective, kaya niyang mabasahin ang iniisip ng iba.

"Kalahati sa mga kaeskwela mo ay namatay. Asahan mo nang magsasara ang eskwelahang ito bukas na bukas."

Sabi niya. Tumango na lamang ako. Halata naman. Marami na masyado ang mga nangyari rito. Wala ng mukhang ihaharap pa ang eskwelahan.

"Nahanap na ang nag iisang murder weapon. Isang kitchen knife. Ang daming blood stains na naroon na malamang na tutugma sa dugo ng mga kaeskwela mo. Ang kaso nga lang, matalino ang murderer. Wala ni isang bakas ang naiwan sa ginawa niya. Lahat sila ay namatay na parang manok na ginilitan. Kaawa-awa..."

Mahabang pahayag sa akin ni Dective, umiiling iling pa ito, hinayang na hiniyang sa mga buhay na nasayang. Bakit kailangan pa niyang sabihan sa akin iyon? Suspect na naman ba ako? Wala akong kasalanan...... Hindi ako ang may kagagawan nito. Alam ko iyon sa sarili ko.


"Hindi kita inaakusahan, Serenity. Sinasabi ko lang sa iyo ito dahil sabi mo nga ay nagiimbestiga ka rin, hindi ba? At isa pa ay malamang na naguguluhan ka. Huwag kang mag aalala, parehas lang tayo."

Dugtong pa niya.
 

"A-Ang b-bilis ng mga p-pangyayari....."

Nasabi ko na lang. Parehas kaming naktitig sa mga bankay ng mga estudyante na inilalagay sa loob ng mga ambulansya. Nanlulumo ako sa mga nakikita ko.

"Massacre ito. Sa totoo lang ay ngayon lang ako nakahawak ng ganitong klase ng kaso. Napakalaki nito at dapat na rito lang nakatuon ang buong atensyon mo."

Tama nga. Dapat lang na nakatuon ang lahat ng atensyon sa kasong ito, dahil kahit maliit na clue lang ay maari ng makasagot sa lahat. Pinagpagan ko ang ilang lupang  kumapit sa akim, ngayon ko lang ito napansin.

"Napakabilis kumilos ng may gawa nito."

Nahinto ako sa ginagawa ko at tumingin muli sa kanya. Oo nga, napakabilis niyang kumilos.

"Ngayon lang tayo ulit nagkita Serenity, wala ka kasi noon nung naganap ang imbestigasyon sa kaso ni Lyka. Buti na lang at maayos na ang lagay mo. May gusto sana akong ibahagi sa iyo, nalaman ko ito noong mga nakarang linggo lang."



Kunot noo ko siyang tinignan. Ano naman ba ang ibig niyang sabihin? Dumiretso siya ng upo at seryoso akong tinignan.

"Tungkol sa case ni Serina Dizon, ng Ate mo."

Para akong natuklaw ng ahas sa sinabi niya. A-anong mayroon sa kaso ng Ate ko? May lead na kaya?

"A-Ano?"

Tanong ko.

"Dahil nga sa pagpipilit mong si Serina ang may gawa ng lahat, at dahil na rin sa mga kakaunting ibidensya na nagtuturo dito. Tinignan ko ang kaso nito. Kahit na imposibleng paniwalaan ang mga sinabi mo at ni Grace, pikit mata akong naniwala."

Sagot niya. Naguguluhan ako, nagpakamatay ang ate ko, anong mayroon doon?


"Sinaliksik ko iyon ng mabuti. Nalaman kong hindi lahat ng mga impormasyon ay ipinaabot sa inyo. Halatang may tinatakpan. Buti na lang at nahalungkat ko ulit iyon."

May iba pang impormasyon? Ano naman ba iyon? At sinong walanghiya ang nagtago sa amin noon?

"Ituloy niyo, Detective."

Pagpapatuloy ko dito. Sumagap muna siya ng hangin bago muling magsalita.


"May mga hand print sa pinto ng CR kung saan siya nagpakamatay. Maraming dugo ang kasama ng mga hand print na iyon. Malamang na sa Ate mo iyon......... Puno ng dugo ang door knob, parang pilit niyang binubuksan. Pati yung pinto. Pilit niyang sinisira dahil sa mga bakas na naiwan. Kung tutuusin, may struggle na naganap, kahinahinala lang. Wala naman di bang ibang sugat siya sa katawan? Tanging sa pulso lang niya."

Huminto ang oras ko dahil sa narinig ko, kung ganoon..............




"H-hind Suicide? K-kung hindi murder?!"

Bulalas ko. Bakit?! Bakit ganito na lang kagulo ang lahat?!

"Malaki ang porsyento na oo ang sagot sa tanong mo. Maaring ganito ang nangyari..... Nabasa ng mga gumawa noon sa kanya na magpapakamatay siya. Sadya nilang kinalat ang mga gamit nito para makita ang cutter. Dahil nga sa nangyari, naisip ni Serina na kitilin ang sariling buhay. Ngunit, nagdalawang isip siya. Nahiwa na niya ang pulso niya at balak na sanang humingi ng tulong. Pero. Nilock siya sa loob para mamatay at hindi na makasaklolo pa. Kaya may mga dugo niya sa pintuan."

Mahabang pahayag niya sa akin.

"Hindi...HINDI, HINDI, HINDI!!!!! "

Sumigaw ako sa galit na nararamdaman, kasabay noon ang mga luha ko.

Magbabayad sila......

PAGBABAYARAN NILA LAHAT ITO SA IMPYERNO!





Itutuloy......

Ate(Completed)Where stories live. Discover now