Chapter37: Dugo

Magsimula sa umpisa
                                    

Hindi na nila namalayan pa na unti unting sumasara ang pinto ng silid na iyon. Bago iyon tuluyang magsara ay nabasa ni Zafira ang nakasulat sa isang papel na siyang nag panginig sa kanya ng todo. Dahil sa pag kabigla ay nahulog nito ang hawak, takang tinignan ito ni Kylie.


Dear Zafira and Kylie,

Susunod na kayo....

Love
Serina,



Huli na para sa dalawa ng tuluyang magsara at kumandado ang pintuan.









-------------------------

Puno ng tawanan ang buong paaralan. Lahat ay nakangiti at tumatawa na para bang wala ng bukas. Natapos ang araw na sila ay nagkakatuwaan.



Natapos ang araw na huli na nilang makikita pa ang mundong ginagalawan.


---------

Serenity's POV

Naalimpungatan ako..

Pabalikwas akong bumangon sa kinahihigaan kong sahig...


Anong oras na kaya?

Inabot ko ang cellphone ko na nasa aking ulunan. Napangiwi ako ng may mahawakan akong malapot malapit doon. Nawala ang antok ko dahil sa pandidiri.

Ang bababoy talaga ng mga kaklase ko.



Binuksan ko ang ilaw ng cellphone ko para makita kung anong oras na.





3:00am





Nabitawan ko bigla ang hawak ko dahil sa nakitang nasa kamay ko.


"H-Hindi..."

Natatakot kong sabi.








Bakit?




B-Bakit may dugo ang kamay k-ko?




Ito kaya ang malapot na nahawakan ko?


Ano ba ang nangyayari?!


Nanginginig na muli kong kinuha ang cellphone ko.

Binuksan ko ang ilaw noon.....





"Shit."


A-ang d-daming dugo sa paligid!

Nananaginip ba ako?





Ang mga kaklase ko........



Mga naliligo sa sarili nilang dugo!




Dali dali akong tumakbo palabas ng classroom.

Kailangan kong humingi ng tulong!



Tumakbo ako ng tumakbo. Nagmamadali ako. Baka sakaling may mabuhay pa sa kanila.


"Ahhh!"

Bigla na lang akong nadulas sa sahig. Bakit ba may tubig dito? May butas ba ang kisame kaya pumasok ang tubig ulan?

Bigla na namang lumakas ang hangin. Palatadaan na muli nanamang babagsak ang matinding ulan. Kasabay noon ang mga mattalas na kidlat.




Ito ang nagsilbing ilaw ko upang makita ang kinalalagyan ko.



Kahit na segundo lamang iyon ay malaya kong nakita ang sahig na kinasasalpakan ko.


"D-Dugo..."

B-bakit bumabaha ng dugo? A-ano ba ang nangyayari? B-bakit wala man lang kahit isa ang nakakahalata?

Patuloy na umaagos ang pulang likido papunta sa akin. Tinignan ko kung saan ito nagmumula.



Sa isang silid na naman.

Bumuhos ang malakas na ulan. Mas lalong tumalas ang mga kidlat. Malakas ang ugong nito at nakakatakot.


Pero....

Mas nakakatakot ang sitwasyon kungnasaan ako ngayon....


Maliwanag dahil sa mga kidlat. Sapat para makita ang nasa loob ng silid.


Lahat sila......



Malamang ay mga wala na.......

Ang dugo nila ay nagkalat........


Para bang isang paliguan........






Tumakas ang mga luha sa akin. Nakakaramdam ako ng awa para sa kanila... Bakit kailangan pang magkaganito?


Kahit puno ako ng gulat. Pilit kong itinayo ang aking sarili para makaalis sa lugar na ito. Tinatanggal ko ang pagparalisa ng aking katawan dahil sa takot.


Tumakbo ako......


Tumakbo ako........



Sa bawat nalalagpasan kong silid ay may dugong lumalabas mula sa nakasara nitong pinto..



N-natatakot na ako......

Sino ang gumawa ng impyernong ito?



Tuluyan na nga akong nakalabas sa gusali kung nasaan ang room ko.


Akala ko wala na......



Akala ko wala ng sasalubong sa akin na kung ano sa pagtakbo ko......

Mas malala pa pala ang nasa labas......



Katawan na talaga ang nakita ko.....




Katawan nila Zafira.......


Nasa gitna ng eskwelahan.........

Ang kalahati ng katawan nila ay nakasabit sa bandang itaas ng isang buho, samantala ang kalahati nito ay nasa ibaba lamang.....



Kitang kita ko......


Kitang kita ko ang itsura nila......

Puno ng hiwa si Zafira......


Puno ng paso si Kylie.....



Hindi na halos ako kumurap pa at huminga dahil sa nakalantad sa aking harapan......


Ang bawat pag patak ng ulan ay siya ring pagpatak ng aking luha.....

Ang lakas pa rin ng habagat...




Akala ko ay tubig ulan lamang ang pumapatak sa akin..


May d-dugo pala iyong kasama....

A-ano na naman kaya ito?



Tumingala ako......



Doon ko nakita ang apat na bangkay na nakabitin sa second floor ng building na iyon......


Kalahating katawan ng mga lalaki.....





T-totoo ba t-talaga ang mga ito?










Itutuloy.......








Ate(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon