/ Chapter 29

766 7 8
  • Dedicated to Mig Jordan Payawal
                                    

Chapter 29

“San ka pupunta?” biglang harang sa akin ng kuya ko pagkababa na pagkababa ko pa lang ng hagdan.

“Sa school?”

“Bakit?” Pinanliitan niya ako ng mata at kinilatis mula ulo hanggang paa.

“Ngayon yung results ng sectioning namin, kuya.”

“E bakit bihis na bihis ka?”

“Bawal ba?” sumbat ko. Sinungitan lang ako lalo. “Sila Angela may pakana nito. Para naman daw maiba yung sinusuot namin.”

Inirapan niya lang ako at tumango-tango na lang. “Umuwi ka ng maaga ka,” sabi niya sabay halik sa noo ko.

“Opo.” Humalik ako sa pisngi niya. “Mas malala ka pa kay Daddy e.”

We’ve been relentless, Terry and I. Magkatext kami simula umaga hanggang gabi. Kapag nawawalan ako ng load bigla, loloadan niya agad ako, tipong ramdam niya na nawalan ako ng load. Minsan magkachat naman kami sa Facebook kapag pareho naman kaming nasa tapat ng computer. Wala kaming ibang ginagawa kundi nag mag-usap nang mag-usap kahit na ilang araw pa lang naman kaming di nagkikita.

Ngayon, magkikita na naman kami. And we’ve plan for this day all week long. Gusto naming maging special tong araw na to kasi panigurado na sa mga susunod na araw, linggo at buwan, di na talaga kami magkikita kasi kung saan-saan na kami kakaldakarin ng mga kamag-anak namin. Kaya lahat na ng gusto naming gawin e gagawin na namin ngayon. Kung kaya.

Dahil espesyal tong araw na to, I wore a knee-length dress. Para maiba naman. Kaya hindi na ako nabigla kung nagtaka yung kuya ko kung san ako pupunta. Di naman kasi talaga siya sanay na makita akong naka-dress. Kahit ako, di ako sanay na nakasuot ako ng dress kaya kanina ko pa hinihila pababa yung damit ko.

Kantyaw agad yung natanggap ko pagkarating ko sa school. Sino ba naman kasing hindi magugulat sa itsura ko ngayon?

Sila Angela lang yung kasama ko buong umaga, habang nage-enroll kami. Nagpasya kasi kaming di muna magkita ni Terry para walang makapansin sa aming dalawa, para walang makahalata na aalis kami mamaya. Hanggang ngayon kasi, nagtatago pa rin kami sa mga tao dahil nga ang alam nila, si Yzza pa rin ang mahal niya. Kahit na hindi na naman talaga.

“So…,” putol ni Jane sa tawanan namin habang nakapila. “Gagala ba tayo mamaya? Ayos na ayos tayo ngayon e!”

“Oo nga ano!” ani Angela. “Di naman tayo nagusap-usap di ba?” At nagsibalikan kami sa pagtawa.

“Pero di nga,” putol ni Camille sa tawanan namin, “gagala ba tayo?”

“Tara!” sabay-sabay na sigaw nung dalawa.

“I think…” Nagsitinginan silang lahat sa akin. “…I’ll pass.”

“Bakit?!” sabay-sabay nilang tanong. Di ko tuloy napigilang matawa. Yung mga itsura kasi nila, para silang lugmok na lugmok akala mo naman di kami naggagala palagi. Pero sabagay, ito yung first time na di ako sasama sa gala namin.

“May pupuntahan kasi kami ng pamilya ko mamaya.”

Ngumuso lang silang tatlo at sabay-sabay na nagsabing, “Okay.” Di ko alam kung anong nainom nila pero kanina pa silang tatlo nagkakasabay-sabay. Nakakatuwa lang.

Nang matapos na kaming mag-enrol, naghiwa-hiwalay na kami. Tutuloy pa rin nila yung gala nila at inasar pa nga nila ako na kaya pa rin daw nilang magsaya kahit na wala ako. Ako naman, dumiretso ako sa may likuran ng school para i-meet si Terry. Medyo maaga-aga pa ng kaunti sa meeting time namin kaya hindi ko sigurado kung nandun na siya pero willing naman akong maghintay lalo na’t siya naman yung hinihintay ko.

Accidents Happen [Remaking | Hiatus]Where stories live. Discover now