/ Chapter 4

1.1K 19 18
                                    

Chapter 4

From: Kuya Rex

Labas tayo!

Hindi ko mapigilang hindi matawa sa text niya. Nung isang araw lang, nanuod kami ng movie na gustong-gusto niyang panuorin. Syempre dahil mabait siya, libre niya lahat ng gastos. Pamasahe, pagkain—lahat. Napakagalante niya talaga sa akin.

To: Kuya Rex

Can’t. Sorry, Kuya. May reading assignment kami, remember?

Gusto namang sumama talaga. Kaso halos isang buwan na kaming lumalabas simula pa nung summer! Nung enrolment namin, nagpunta siya kasi gusto daw niya akong makita. Three days after, nagaya siyang lumabas kasi gusto niya akong makita. Next week, nagaya na naman siya. The following week, nagaya na naman siya.

Inasar ko nga siya one time. Tinanong ko kung ‘di pa ba siya nagsasawa sa akin. Ang sagot lang niya: “I will never get tired of that face.” Sobrang namula ‘yung pisngi ko at pinaulanan niya ako lalo ng asar kasi kinilig ako.

Kaso isang buwan lang ang natitira, pasukan na naman. May reading assignment kami at ang kapal-kapal nung libro na pinapabasa. Bagong pakulo kasi ‘to ng English department para daw maging makabuluhan naman ‘yung summer namin kahit papa’no.

From: Kuya Rex

Tutulungan kita d’yan. Promise! May kailangan lang akong ipakita sa’yo ngayon.

Shame for me if I turn this down, right? Baka naman may importante talaga siyang sasabihin o ipapakita. And it’s back to turn something important down.

To: Kuya Rex

Oo na po. Sige na po. Hahaha.

From: Kuya Rex

Yon! Susunduin kita mamayang 3, okay? See you!

--

Napabalikawas ako nung may kumatok sa kwarto ko. Mahigit isang oras na akong handa at nakahilata lang ako sa kama habang pinaglalaruan ‘yung necklace na binili namin last month.

Para siyang isang maliit na dream catcher. Sabi kasi sa akin ni Kuya Rex, lucky charm daw ‘to. Para daw kahit hindi kami magkasama, maramdaman ko pa rin na maswerte ako.

Dali-dali akong bumaba at sinalubong si Kuya Rex sa may pinto. Yayakapin ko na sana kaso nung nakita ko ‘yung nakanganga niyang bunganga, tumigil ako. Hinayaan ko na lang na tingnan niya muna ako.

“Masyado ka naman yatang naghanda,” nakangisi niyang sabi.

“Sabi mo kasi may kailangan kang ipakita sa akin e kaya naghanda ako.” Humagikgik ako ng kaunti.

Ngumisi siya. “Tara na nga.”

Naka-knee length na blue dress ako ngayon na may white na design sa may taas. Siguro nagulat lang si Kuya Rex sa akin kasi ngayon niya lang ako nakitang nagsuot nito. A special thing deserves a special attire, right?

Accidents Happen [Remaking | Hiatus]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon