/ Chapter 19

849 16 19
                                    

Chapter 19

Nagising ako sa tapik ni Kuya Drake.

“Nandito na tayo,” nakangisi niyang sabi. Tumango ako at nagkusot ng mata.

Buti naman nakatulog pa ako kahit papa’no. Kahit na ang daming tanong sa isip ko tungkol sa text ni Terry, nakatulog pa rin ako. The cold was comforting and the thoughts put me into sleep. Dapat nga baligtad e, but I found those thoughts… at ease. Which is hindi dapat. I should be bothered.

Nagsitayuan na lahat at kaniya-kaniyang kuha sa mga gamit nila. Saktong pagkatayo ko, nahagip ng tingin ko si Terry na nakatitig sa gawi namin. Umiling-iling na lang ako at nag-iwas ng tingin kasi tumingin rin sa gawi namin si Yzza.

“Sa’n ‘yung gamit mo dito, Jerika?” biglang tanong ni Kuya Drake. “Ako na lang kukuha.”

I know he’s supposed to be a gentleman, pero nakaramdam ako ng insulto. Parang isinampal niya sa akin na maliit lang ako.

I mentally sighed. What’s wrong with me? Parang naka-reverse day yata ako ngayon.

“‘Yung maliit na duffel bag na blue, kuya.”

Ngumiti siya at kinuha na ‘yung bag ko. Siguro medyo napunta sa dulo ‘yung bag ko kaya kailangan niya pang tumingkayad. Medyo tumaas tuloy ‘yung sweat shirt niya, showing off his v-line.

Nag-iwas ako ng tingin. I’m not supposed to see that.

“Ito o,” sambit niya sabay abot sa bag ko. Ngumiti lang ako, hoping that that’s enough as ‘Thank you.’

Pinauna niya akong maglakad palabas ng aisle. Mukhang naabala pa nga ‘yung mga palabas na sana e.

Ewan ko ba kung bakit ‘di ko magustuhan ‘tong si Kuya Drake. Gwapo naman siya. Matalino, especially sa math, which is supposed to be a plus pogi points sa kaniya. Ang lakas kasi ng attraction sa akin ng mga magagaling sa math. Kaso sa kaniya, wala talaga e. Mabait. Gentleman. MVP. Sporty. Okay, idagdag na natin ‘to: Hot.

Comparatively, he’s far better than Terry in so many aspects. But I guess I really am too pronged with Terry na kahit ga’no pa kabuti nung ibang lalaki sa kaniya, siya pa rin ‘yung pipiliin ko. Too bad, mas higit nga lang ‘yung friendship kaysa sa pagmamahal ko sa kaniya. And, my respect na rin sa “pact” na ginawa namin.

Sinalubong ako ni Terry at Yzza pagkababa ko sa bus. Akala ko iiwan nila ako. Napansin kong pumunta na si Kuya Drake sa mga batchmates niya na nagchi-cheer sa kaniya.

“So,” biglang sambit ni Yzza. She’s talking to me because, of course, she has to. Nagagalit kasi sa kaniya si Terry kapag hindi niya ‘yun ginawa. Ang pangit rin naman daw kasi kung magkakagalit kaming magkakaibigan, dahilan ni Terry. “Kamusta naman kayo ni Kuya Drake?”

Nagkibit-balikat lang ako. “We didn’t talk. Pareho kaming tulog e.”

Nagkibit-balikat lang rin siya.

Pumunta kami sa kaniya-kaniya naming dorms. Sa International House kami pina-stay kasi do’n lang daw maraming vacant at open sila for tenants. Dalawa lang per room and good thing hindi si Yzza ‘yung roommate ko. That’ll be hell. Pero ang awkward lang kasi pagkapasok ko, taga-ibang school ‘yung magiging roommate ko. And she’s too enthusiastic.

Accidents Happen [Remaking | Hiatus]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon