/ Chapter 23

816 10 25
                                    

Chapter 23

Nung in-annouce na ng pari na “You are know officially wedded!”, nangantyaw na ng ‘Kiss!’ ‘yung mga tao sa paligid. ‘Di ‘yun kasama sa seremonyas kasi usually daw e mga sapilitan lang ‘yung mga ikinakasal. Syempre, ayaw naman nilang ipilit pa ‘yung kiss na ‘yun. Besides, ayaw rin naman ng admin sa ganong tipo ng affection.

Para tumigil na sila sa kakasigaw, hinalikan niya ako. Good thing na gentleman siya at sa noo niya lang ako hinalikan. There’s so much respect in him. Buti na lang talaga.

Pagkatapos, pinaglakad kami sa aisle para masabuyan ng bigas. Ngayon ko lang nalaman na may gan’tong part sa marriage booth dito sa school. Ngayon lang kasi ako nakasali o nakapanuod. Sobrang sayang lang sa bigas nung pinaggagawa nila.

Maghihiwalay na sana kami ni Kuya Drake ng landas ng bigla niyang hatakin ‘yung kamay ko. Nabigla ako nung hinigit niya ‘yung singsing sa daliri ko.

“I don’t want to force you with this,” sabi niya habang tinatanggal ‘yung singsing. It hurts and feels good at the same time. He knows his boundaries. Pero nasasaktan ako para sa kaniya. “So, I’m taking it back. Kapag handa ka na, tsaka mo na lang kunin sa akin.”

Hinalikan niya ako sa noo at binigyan ako ng isang boquet ng flowers. ‘Di ko na lang tinanong kung sa’n nanggaling ‘yun. Bigla-bigla na lang kasi siyang nagkaro’n ng flowers sa mga kamay niya.

“Happy Valentine’s, Je.”

Inasar siya nung mga kaibigan niya nung nakita nilang hinuhubad ni Kuya Drake ‘yung singsing niya. They called him a pussy. Wala daw siyang lakas ng loob. But I know that he only wants to respect me. Alam niya na wala akong gusto sa kaniya. I didn’t even dare to reciprocate his feelings.

Yes, may gusto siya sa akin. He confessed last, last week. Syempre, naging awkward. But he made a way to fill the emerging space between us. Syempre, ayaw niya no’n ano. Nagsisi nga siya kasi sinabi niya daw sa akin ng maaga.

Na-friendzone ko siya. We made that clear the day after his confession. He was okay with it. Alam niya naman daw kasi na may iba akong gusto. Na-figure out niya daw kung pa’no ako tumingin sa kaniya. So, he limited himself as a friend. Minsan nga pinu-push niya pa ako kay Terry e. Pero ‘di ko tinutuloy kasi alam kong nasasaktan siya. If ever I’ll do an advancement to Terry, ayoko siyang gawing tulay. Being friendzoned is too much already.

Lumapit ako kanila Yzza nung malayo na sa akin si Kuya Drake. They were all cheering me. Syempre, masaya sila para sa akin kasi sa aming apat, ako pa lang ‘yung may pinaka-successful na love life. Kung alam lang talaga nila…

Pero si Yzza talaga ‘yung nangingibabaw ang kasiyahan. Of course, she’s very, very, very happy kasi mawawalan na siya sa wakas ng kaagad. For some reasons, she sees me tied to Kuya Drake already. Pero nagkakamali siya.

Ang tagal na naming nakatayo do’n pero ‘di niya pa rin binabalik sa akin ‘yung phone ko .’Di ko alam kung anong drama niya. Kung ni-delete niya na naman ‘yung number ni Kuya Drake, okay lang. Magte-text rin naman ‘yun mamaya e. Pero kung ni-text niya Kuya Drake na ‘wag na mag-text sa akin… iba na ‘yun.

Accidents Happen [Remaking | Hiatus]Where stories live. Discover now