/ Chapter 13

931 13 14
                                    

Chapter 13

“Wala na ba talagang chance?”

“Angela…”

Hindi ko alam kung bakit hinang-hina ‘yung boses ko. Partly, sinisisi ko ‘yung sarili ko kung bakit nagkagano’n si Terry. Pero most of it, kasalanan niya naman. Pinapairal niya kasi ‘yung pride niya.

Ayokong tanggapin ‘yung sorry niyang hindi sincere kasi baka pumasok sa isip niya na ang dali-dali ko lang magpatawad, na payag ako sa mga kalokohan niya. Ayokong maisip niya na pwede niya akong paglaruan o tawanan ng gano’n lang.

“Nag-sorry na naman siya a?”

“Hindi naman sincere, Gel.”

Binuksan ko ulit ‘yung pinto ng locker ko kahit na wala naman akong kukunin. Kanina pa kami nandito. Ayoko pa kasing bumalik ng classroom hangga’t nando’n pa si Terry. Nagsabi na ako kay Yzza na ayain niya ng umuwi si Terry. Sigurado naman akong sasama sa kaniya si Terry e.

“So?” kunot-noo niyang tanong. Hindi niya talaga maintindihan.

Bumuntong-hininga ako. “Ayokong maging cheap, Gel.”

“Cheap?”

She sounds frustrated. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ba napakahalaga ni Terry sa kaniya, sa kanila. Bakit ba alalang-alala sila masyado sa kaniya? Kasi birthday niya? It doesn’t make sense.

“What’s cheap about that, Je?” Kulang na lang siguro na sabunutan ni Angela ‘yung sarili niya sa sobrang frustration. “Ang cheap e ‘yung mga pokpok na nagpapabayad para lang magbigay saya sa mga lalaki. That’s what’s cheap, Je! Hindi ‘yung tatanggapin mo ‘yung sorry ni Terry!”

Nalaglag ‘yung panga ko. Bakit ba masyado siyang concerned kay Terry? Does she like him pero hindi niya lang masabi sa akin kasi baka sabihin ko kay Terry knowing na medyo—take note of that—close kami? As if I would do that, right? Best friend ko siya. Kung sabihin niya man sa akin at kung sabihin niya mang ‘wag kong sabihin kay Terry, ‘di ko sasabihin.

“Look.” Hinilamos niya sa mukha niya kamay niya. “I’m doing this, I’m concerned about him, kasi naaawa ako kay Yzza. ‘Yung surprise ni Yzza, binale wala niya lang. It’s supposed to be special for the two of them, Kaso hindi naman natupad kasi nga he’s frustrated.” Kumunot ‘yung noo ko. “He’s frustrated because you’re mad at him.”

“As if I matter to him,” bulong ko.

“You do.”

“I don’t,” pamimilit ko.

“Sa tingin mo ba magkakagan’yan siya kung wala ka lang sa kaniya?” Umiling-iling ako. Ayokong maniwala sa pinagsasabi niya. “He’s sorry for what he did, Je. Just forgive him and he’ll be fine. They’ll be fine.”

Hindi ako ‘yung missing piece sa puzzle kasi sa simula pa lang e kumpleto na ‘yun. Hindi ako ‘yung susi para buksan ‘yung puso at utak ni Terry kasi siya lang naman ‘yung makakapagbukas no’n. Siya ‘yung nagsara sa loob, hindi ako, hindi kung sino. Siya lang. He’s the one who can open it.

Accidents Happen [Remaking | Hiatus]Where stories live. Discover now