/ Chapter 27

787 6 9
                                    

 

Chapter 27

Good thing he’s holding the space between us. Good thing he’s being cautious. Ewan ko ba kung bakit ngayon niya lang yan naisip gawin. He could have been cautious while Yzza was around. Pero feeling ko, if he was careful and cautious as how I want him to be, hindi ko siguro malalaman na may gusto siya sa akin o hindi ko siguro makukuha yung assurance na pareho kami ng nararamdaman.

Some things are really just meant to happen.

May ilang nawiwirduhan kasi parang ang distant daw sa akin ni Terry. But people just assumed na parang shattered pa rin siya dahil malayo na si Yzza, na parang binubuo pa lang niya yung sarili niya since nawala yung other half niya.

They didn’t split up when Yzza left, which makes it more uncomfortable for me because I’m competing with someone who’s miles away. Some say na kapag mas malapit ka daw, mas malaki ang chance na ikaw ang manalo. But that’s the least of my concerns.

He kept on saying na ako ang nauna pero hindi ko maintindihan kung bakit hindi pa rin sila naghihiwalay. Not that I want them to, kasi alam kong masasaktan ng sobra si Yzza, pero… he can’t juggle two girls at once. Lalo na yung isa eh nasa ibang bansa.

Hindi ko lang kasi maintindihan. If he’ll pursue me rin naman pala, bakit niya pa kailangan hawakan pa yung isa? Because I’m not enough? Or because he’s still not sure, that things might went wrong at gusto niya ng safety para hindi siya lubusang masaktan.

But to think of it, hindi pa naman sila. As far as I know. I think they haven’t said any vows to each other yet and saying ‘I love you’ to one another is not an instant connection because people treat ‘I love you’ as simple as saying ‘Hi.’

Maybe I’m just over thinking. Or is this good? Ayoko rin naman kasing maging kampante. Mamaya, ayoko naman yung iwan. Ako pa yung masaktan. And no one wants to be the one in vain.

Even with the space between us, nakakapag-usap pa rin naman kami. Through text madalas. Or chat kapag gabi na. Hinahatid niya pa rin naman ako. I mean, sabay pa rin naman kaming umuuwi. Hindi ko lang siya kasabay lumabas ng school kasi nauuna siya palagi at sila Angela yung palagi kong kasama. Pero kapag sasakay na ako ng jeep, out of nowhere, bigla-bigla siyang lalabas at tatabi sa akin. Kapag maluwang yung jeep at may space pa sa tabi ko.

But during class hours, super ilag niya sa akin. Niya kasi siya lang naman ang may gusto niya. Sabi niya, mas mabuti na daw yung ginagawa niya kaysa naman sa mapag-initan kaming dalawa kasi mas nagiging malapit kami. Pero mas napag-iinitan nga kami ngayon kasi hindi na kami nag-uusap eh ang alam ng lahat, magkaibigan kaming dalawa. To the extent pa nga na pinagseselosan na ako ni Yzza sa sobrang close naming dalawa.

Ang weird naman kasi talaga nung dalawang magkaibigan eh bigla na lang di nagpapansinan. Except na lang kung kailangan.

Pero um-oo na lang ako sa lahat ng ginagawa niya. This is for us. Even if it feels so wrong, this is still for us. Yes. I believe there is an us.

Pagkabukas ko sa locker ko bago matapos yung lunch break, may nalaglag na papel. It was so unusual kasi maayos na nakalagay yung mga gamit-gamit ko dun sa loob ng locker ko. May nakahiwalay akong container para sa mga maliliit na bagay, kasama yung mga special na nakatupi-tuping papel. I even have origamis inside my locker.

Maayos na nakasulat sa labas ng paper yung mga salitang: The Reason Why. The curve and the form of the letters, alam ko na kung kanino to galing. Alam ko kung pano siya magsulat ng normal. Alam ko kung pano siya magsulat ng kumabaga ‘lettering’ niya na umaabot sa isang minuto kada letra.

He wrote me a letter. For the first time.

Bubuksan ko n asana yung sulat kaso biglang dumating na sila Angela. I can’t let them know na may ganitong nangyayari sa pagitan namin ni Terry. Not just yet. Agad-agad kong inipit sa SocSci textbook yung sulat na ginawa niya. I hope he won’t be mad at me since I haven’t read it yet. Gusto pa naman nung mokong na yun eh agad-agaran. Basahin mo, i-appreciate mo, kasi ayaw niya daw na masayang yung effort niya. Boys and their egos.

Pagkarating namin sa classroom, sinalubong niya ako ng tingin. I guess the gals aren’t looking kaya nagawa niya pang kumindat. I replied with a smile and shyly walked towards my seat. Halos tatlong rows din yung pagitan naming dalawa. We used to seat beside one another. Ako sa left niya, tapos sa kanan niya si Yzza. A perfect symbolism.

From: Terry Villafuerte

Did you eat well?

I can’t help but smile. For sure, kung nakikita niya yung reaksyon ko ngayon, busog na busog na yung tigre sa loob ng puso niya. Buti na lang talaga’t nakatalikod ako sa kaniya. I don’t want to feed his ego. Ayokong masanay siya. I want him to lower his pride, to lower everything. For us. Ang hirap kasi kung hindi niya yun bababaan. Sigurado akong lagi na lang kaming magtatalo kahit sa isang maliit lang na bagay.

To: Terry Villafuerte

Yep. Ikaw ba?

Before I can receive a reply from him, dumating na yung teacher namin.

Now I’m left wondering: Kumain kaya siya?

Noon kasi alam ko na kumakain siya kasi palagi naman naming siyang kasabay. Kung hindi man siya sa amin sasabay, kasama niya naman sila Lucas na napapadalas na ring hindi sumasabay sa amin. Kaso kahit kanina sa canteen, nakita ko sila Lucas pero wala naman siya.

Ayoko namang itanong. Una, kasi nahihiya ako. Pangalawa, kukulitin niya ako kung bakit ko tinatanong nab ago pa siya sumagot eh manggalaiti na ako sa inis. Pangatlo, I don’t want to feed his pride. I care for him. Pero may extent kasi ang caring na tolerable, at meron namang sobra na masyado. Yung tipong nakakasakal na.

Kung ano mang trip niya ngayon, I hope he has a good reason. Terry is the kind of guy who likes to do things in a mysterious way tapos magugulat ka na lang sa kaniya. Pero sana naman may maganda siyang dahilan. Hindi pwedeng trip-trip lang.

Sometimes no matter how you value something but society deems it to as stupid, then it’s stupid. And people should refrain from doing stupid things. Because stupid things are stupid.

Accidents Happen [Remaking | Hiatus]Where stories live. Discover now