/ Chapter 17

877 15 12
                                    

Chapter 17

“Nice, Jerika! Ni-shoot niya daw ‘yun para sa’yo o!”

Bumibira na naman sa asar ‘tong mga kaibigan ko. Tinatawanan ko na lang sila o kaya itutulak papalayo. Pero kapag tumitingin si Kuya Drake, tumatahimik kaagad ako. Nakakahiya kasi. Baka isipin niya na wild ako. As if he cares, right? But still, gusto ko pa ring i-police ‘yung actions ko. For a no particular reason.

May exhibition game ngayon, as part ng Foundation Day ng school. Isang linggo na naman kaming nakatengga. Halatang tamad na tamad pa magturo ‘yung teachers namin. Tatlong linggo na matapos ‘yung start ulit ng pasukan kaso mukhang tinatamad pa rin talaga sila.

Ang mahal-mahal ng bayad namin sa kanila pero ang tamad-tamad nila. Parang mas mainam pa nga yata sa public e.

Pero to be fair naman, ‘yung mga advance subjects namin at elective ‘yung talagang matitino magturo, hindi tatamad-tamad. ‘Yun naman kasi talaga ‘yung habol ko dito sa school na ‘to. Something to push me on top of other people.

Kaso sayang sa pera ‘yung ibang teachers. ‘Yung mga major subjects tulad ng English at Filipino e tatamad-tamad. Sabi kasi nila ilang beses na daw ‘yung naituro sa amin so ‘di na daw namin kailangan masyadong ituro.

E kung gano’n ang kaso, e’di tanggalin na lang sa curriculum, ‘di ba? Pero jusko naman, importante pa rin ‘yun kahit paulit-ulit. Para sa akin ha. Minsan kasi, ‘yung mga basics ‘yung nakakalimutan. ‘Yung tipong ang galing mo na Trigonometry pero anga-anga ka naman sa subject-verb agreement.

“Go Terry!” masayang sigaw ni Yzza maya-maya. Tinulak-tulak naman siya nila Angela at Jane, inaasar.

Nakitawa na lang ako kasabay ni Camille habang pinaglalaruan ‘yung anklet na kasama nung regalo ni Terry. Hinigit kasi sa akin ni Kuya Rex ‘yung dream catcher na necklace na binigay niya bago siya umalis nung gabing ‘yun. Sabi niya hindi daw makakabuti kung may magpapaalala sa akin sa kaniya. Sinabihan niya pa nga ako na itapon ko na lang daw ‘yung post card pagkatapos kong basahin, but I didn’t, of course. He was a good kind of memory and you don’t throw good ones.

Tumingin sa gawi namin maya-maya si Terry at kumindat. Mas inasar si Yzza at mas lalo pa siyang namula. Para na siyang hinog na hinog na kamatis.

Pero indirect ‘yung kindat ni Terry. Parang hindi siya kay Yzza nakatingin. Sana… sa akin na lang.

Pagkatapos ng game at pagkatapos mag-bow ng lahat ng players sa crowd, dali-dali kaming bumaba sa may bleachers at lumapit kanila Terry, Lucas at Jordan, isa pa naming kaklase.

Pagkarating namin sa baba, tinulak-tulak ni Angela si Yzza kay Terry. ‘Di ko alam kung totoo, pero natapilok si Yzza. Good thing (or bad thing) nasalo siya ni Terry. Mas naghiyawan pa tuloy ‘tong mga kasama ko. Ngumiti lang si Terry sa amin. Pero parang sa akin siya nakatingin. Kumalabog tuloy ‘yung puso ko.

Bago pa kami tuluyang makalapit sa isa’t isa, bigla-bigla akong pinagtulakan nila Angela papunta sa kaliwa. Pagkatingin ko, nando’n pala si Kuya Drake. Hindi siya nakatingin sa amin kaya nagagawa ko pang pumalag. Pero nung tumingin na siya sa amin, my body automatically froze. ‘Di ko alam kung bakit.

Accidents Happen [Remaking | Hiatus]Where stories live. Discover now