/ Chapter 1

4.5K 51 35
                                    

Chapter 1

Sawi ako sa pag-ibig, inaamin ko yun.

First year high school pa lang ako no’ng una kong madama ang hagibis ng aking puso. Pag-ibig.

Erico Medina ang pangalan niya. Second year high school no’ng panahon na ‘yun. Mabait, masayahin, palabiro, masayang kasama—Ewan ko ba. Basta kapag kasama ko siya, parang ayoko na siyang lumayo pa sa akin. Kapag kasama ko na, parang gusto ko na lang na tumigil ‘yung oras, tumigil lahat ng tao at kaming dalawa na ang matirang tao sa mundo para walang umepal pa sa amin.

Aksidente lang ‘yung pagkakakita’t pagkakakilala namin. Pero kahit na ‘pangit’ man ang mga aksidente, maituturing ko pa rin na maswerte ako kasi naaksidente ako.

 

--

 

Kapag first year, ‘di na maiiwasang maging GC. Simula mo pa lang e, kaya ibigay mo na lahat.

Araw-araw ang laki-laki ng bag na dala-dala ko. Ewan. Kahit anong gawin kong bawas sa gamit ko, gano’n pa din, mabigat pa rin. Sobra. Kahit ilagay ko sa locker yung iba, wala pa din. Kaya kahit saan ako magpunta, dala-dala ko ang bigat ng mundo.

“Ay, ambot!”

Napakapit na lang ako do’n sa lalaking nabangga ko kasi bigla akong hinila paatras ng bag ko. Pero dahil nga kasing bigat ng bag ko ang mundo, nahablot ko rin pabagsak ‘yung lalaki.

Napatikom na lang ako ng bibig habang nagtititigan kami sa mata. Pero kahit na napupuno ng hiyaw at pang-aasar ‘yung paligid namin, parang nabingi ako at na-focus na lang sa kaniya.

Imbes na parang tulad sa mga Korean telenovella—mababangga mo ‘yung lalaki tapos lilipad ‘yung mga papel at sabay niyo ‘yung pupulutin hanggang sa huling piraso na magkakahawak ‘yung kamay niyo, magkakatitigan kayo, makakahiyaan at patagong magngingitian—naging malaswa ‘yung una naming pagkikita. Imagine! Magkapatong agad kami sa unang meeting namin at umuuga-uga pa ng kaunti dahil sa bag ko na parang duyan sa ilalim ng likod ko.

Dali-dali naman siyang bumangon mamaya at agad nagpagpag. Nakaka-offend kasi parang pinakita niya sa akin na ang dungis-dungis kong nilalang. Pero buti na lang at mabait siya at tinulungan niya akong tumayo. Akala ko nga ulit matutumba na naman kami e. Buti na lang kinapitan na siya nung mga kaibigan niya para tulungang magtayo sa akin.

“S-Sorry po.” Napayuko ako. “At thank you na rin po.”

“Walang anuman,” walang-gana niyang sabi. “Pero matanong ko nga.” Tumingin ako sa kaniya. “Dala-dala mo ba ‘yung mundo sa bag mo?”

Nanlaki ‘yung mata ko sa sinabi niya. Alam niya kung anong nararamdaman ko! Lalapit na sana ako sa kaniya para yakapin siya at sabihing naiintindihan niya ako kaso biglang may tumawag sa kaniya.

“Erico-fu!”

Nanlaki ‘yung mga mata ko nung nakita ko ‘yung babae. Si Angela Maniego, best friend ko. Simula pa lang elementary, magkakilala na kami. Napakunot ako ng noo. Mukhang kilala niya ‘tong si kuyang gwapo na kaharap ko.

“Oh, bakit Angela-fu?”

Mas lalo pa akong napabusangol. Mukhang may tawagan silang fu-fu sa dulo. Sana kami rin.

Accidents Happen [Remaking | Hiatus]Where stories live. Discover now