/ Chapter 8

985 15 12
                                    

Chapter 8

Yzza and Terry seemed to work out. Ilang ulit na siyang hinahatid ni Terry pauwi sa kanila. Well, bagay naman sila. Maganda si Yzza at gwapo si Terry. They’ll work out.

Pero hindi ko alam kung ba ako nangangamba sa kanila dalawa. I should be happy right?

For the past few days, nag-aral kami ni Terry para sa next quiz. Kailangan kasi talaga na tutok kami sa math kasi ‘yun ‘yung best-est area ng school namin. Kaso mukhang wala rin namang nagyari kasi five over ten pa rin ‘yung score ko.

Lumapit ako kay Terry at inilapag sa lamesa niya ‘yung test paper ko. Nangalungbaba ako habang hinihintay ‘yung pangaral niya.

“Bakit kapag nag-aaral naman tayo, nakakaya mo naman?” Bakas ‘yung pagtataka sa boses niya. “Maayos naman ‘yung arithmetic mo no’n. Ano bang problema mo ngayon?”

Napabuntong-hininga ako. “Hindi ko rin alam e.”

Pero ang totoo talaga, namomroblema ako kay Terry. Oo, nasasagutan ko siya kasi tutok na tutok siya sa’kin. Bawat sulat ko, bawat galaw ng mga daliri ko, bantay-sarado niya. Ngayon ko lang talaga napansin ‘yung titig niya sa akin na mas malala pa pala sa inaakala ko.

Kung pwede ko nga lang siyang sampalin para alisin niya sa akin ‘yung mga tingin niya, ginawa ko na. Kaso baka naman sumbatan niya na naman ako ng nakakatakot niyang tingin at matrauma na naman ako.

“M-May problema ka ba sa akin?”

Napatingin ako sa kaniya kasi biglang nabasag ‘yung boses niya. Ngayon ko lang narinig na para siyang nanghina, na parang may ginawa akong masama sa kaniya. At ‘yung mga mata niya… Hindi ‘yun ‘yung madalas na nakikita ko. Hindi ‘yun ‘yung nakakatakot niyang mata… Iba.

Suminghap ako. “Nahihirapan ako,” sabi ko. Napakunot siya ng kilay. “Imbes na maging magaan ang lahat para sa akin, mas lalong humihirap. Alam ko magaling ka sa math, wala nang tanung-tanong pa tungkol do’n, kaso kung pa’no ka magturo…”

Napataas siya ng kilay. “Oo, natututo ako pero… hindi ko maiwasang matakot sa’yo kaya hindi ako kumportable. At madalas, kapag nagsasagot ako ng tanong, ‘yung takot ko ‘yung umiiral kaysa sa natutunan ko.”

Umiwas siya ng tingin at sabay kaming napabuntong hininga. Medyo nakaramdam ako ng pagsisisi kasi parang nabale-wala lahat ng efforts niya dahil sa akin at parang wala man lang akong natutunan sa kaniya. Pero kasi…

Suminghap ako. “In order for us to workout…” Binalik niya sa akin ‘yung tingin sa’kin. “…you need to loosen up.”

“I-I’ll try…” His voice trailed off, meaning hindi niya talaga kaya.

Suminghap ako ulit. “No, don’t try,” pailing-iling kong sabi. “Do it.”

Nauna akong tumayo sa kaniya nung tinawag na kami ni Angela para mag-lunch. Ang awkward kasi ang tahimik. Ang sama naman ng loob ko kasi pinipilit ko siyang gawin ‘yung gusto ko na mukhang ayaw niya naman. I’m being pushy…

Accidents Happen [Remaking | Hiatus]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon