/ Chapter 14

869 14 8
                                    

Chapter 14

Nando’n ‘yung mga kaibigan niya sa bahay nila kaya medyo nakatikom lang ako sa isang sulok ng lamesa. Nakaka-OP kasi ‘yung mga pinag-uusapan nila. Minsan naman sinasama nila ako at sinusubukan ko namang makisama, pero hindi ko makalimutan ‘yung itsura nung mga kaibigan niya rating lalaki nung nakita nila ako.

Hinding-hindi ko makakalimutan ‘yung mga mukha nilang nandidiri sa akin. Masyado ba akong pangit para kay Kuya Rex? Oo, hindi naman ako gano’n kagandahan at hindi naman gano’n kaganda ‘yung katawan ko pero… okay naman ako a? Maipagmamalaki pa rin naman ako. Hindi pa lang ako masyadong tinatamaan ng maturity kaya hindi pa ako gano’n kalapitin ng tingin ng mga lalaki. As if I want that to happen. Pero… gano’n naman kasi talaga madalas e.

Siguro naisip nila na masyado akong bata para kay Kuya Rex. Halos four years rin ‘yung agwat namin e. That doesn’t matter to us, but I guess that matters to them. Siguro sa isip nila na hindi ko ka-age bracket si Kuya Rex kasi college na siya e, ako second year high school pa lang. Siguro feeling nila hindi pa ako gano’n ka-mature para kay Kuya Rex.

Pero sabi nga sa akin ni Kuya Rex noon, ‘wag ko na lang daw silang pansinin. It’s our love that matters. Sila lang daw ‘yung mga pahirap sa atin because we can’t expect our love to be perfect. Hindi maiiwasan ‘yung obstacles and with love, we’ll find our way to pass through them.

“Okay ka lang?” Tumango-tango lang ako.

Hindi na siya nagtanong pa at dinamayan na lang ako sa pananahimik ko habang nakasakay kami ng jeep pauwi.

--

Dumiretso na agad ako sa kwarto ko pagkarating namin sa bahay. ‘Di na ako kumain kasi nabusog naman ako sa handa ni Kuya Rex. Nakakahiya nga kasi nabilaukan pa ako sa balat ng turkey. Nag-init ‘yung mukha ko sa hiya sa mga kaibigan nila. Baka isipin nila na amsyado akong patay gutom kasi nabilaukan ako.

Umiling-iling ako. Masyado ko talagang iniisip ‘yung iniisip ng ibang tao. Dapat masaya ako kasi birthday niya pero hindi ko naman nagawa.

Iniwan ko na nga lang sa bag niya ‘yung regalo ko e. Baka kapag kasi binigay ko pa sa kaniya sa harapan ng mga kaibigan niya e pabuksan nila ‘yun sa kanila. Malaman pa nila kung ga’no ako ka-cheap. I really should have bought him shoes or any basketball thing. Kahit wala akong pera, sana pinag-ipunan ko na lang. I should have tried harder. I’m such a loser.

From: Kuya Rex

Parang hindi ka yata nag-enjoy a. :(

Sabi ko na ‘yun agad ‘yung maiisip niya e.

To: Kuya Rex

No, no. Pagod lang ako, kuya. :)

Nalaglag sa mukha ko ‘yung cellphone ko pagkapindot ko ng send. Pinindot-pindot ko ‘yung ilong ko. Naalala ko na naman ‘yung pagkakadapa ko dahil kay Terry.

I should stop thinking about him. Lalo na ‘yung paghikbi niya kanina. It’s making me crazy.

Accidents Happen [Remaking | Hiatus]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon