MNYOD [Chapter 26]

Začít od začátku
                                    

"Oh gising ka na pala."


Agad kong kinuha ko ang bimpo sa ulo niya at hinawakan ang noo niya. Mabuti naman at di na siya ganun kainit. 


"Bumaba na pala ang lagnat mo. Mabuti naman."


"D-drei? Anong ginagawa mo dito?"


Halatang nagulat siya. Siguro nga kasi hindi ako yung inaasahan niya. Malamang yung boyfriend niya ang gusto niyang Makita.


"Dinaan ko lang ang report para mabasa mo. Sabi kasi ni Sir, bumalik ka na daw next week. Sisimulan na daw ang construction."


"Si Nana?"


"Wala, umalis. May nangyari daw sa bahay nila. Baka raw matagalan. Kaya ako muna pinagbantay niya sayo."


"Ganun ba? Eh yung ano – "


"Ano?"


"Ahh wala."


*Gruuuukkkk*


[A/N: Tunog yan na nagmumula sa tiyan. Pasensya na kung di kapani-paniwala. Di ko rin naman alam kung tama ba. ]


 "Mukhang gutom ka na ah. Baba muna ako. Ipagluluto kita."


"Sige."


Pagkatapos nun ay tumayo na ako at lumabas ng kwarto niya. Hinanda ko na ang pagkain niya. Di na ako nag-atubili pang gumawa ng akin. Wala rin naman akong gana. Pagkatapos ay umakyat na akosa kwarto niya. Naabutan ko siyang nakatulala at tila malalim ang iniisip. Siguro boyfriend niya ang iniisip niya. Iniisip siguro niya na sana si Henry nalang ang nagbantay sa kanya.


"Oh eto na. Lugaw lang muna ginawa ko kasi baka di tanggapin ng tiyan mo kung pagkaing masyadong kumplikado."


"Ahh, sige. Ako nalang Drei."


Kinuha ko kasi ang kutsara at akmang susubuan siya.


"Hindi. Ako na. Wag ka ng makulit."


Bakit? Dati naman ginagawa ko to sayo Rhian, pero bakit ngayon ayaw mo na? Dati-rati naman, ikaw pa nagrerequest na subuan kita. Ikaw pa unang naglalambing sakin para ipagluto kita.


"Oh eto pa."


Alam kong kaya niya pero gusto ko talaga siyang subuan. Para man lang kahit dito ay maramdaman na minsan ay masaya ko tong ginagawa kasama siya. Na sa tuwing ginagawa ko to ay napaparamdam ko kung gaano ko siya kamahal.

My Nineteen-Year-Old Daddy - [Finished]Kde žijí příběhy. Začni objevovat