MNYOD [Chapter 11]

69.7K 1.1K 44
                                    

Dedicated ito kay Princesssimple09. Dahil siya lang naman ang kaisa-isang taong nag-vote sa aking Author's Note Chapter. Waaaahhh. Ibig sabihin talaga, nagbabasa siya ng mga pinopost ko and I really appreciate it. Love ko na talaga kayo! Mwah mwah. :*

***

This is an original story.

People, places or events that are similar to others are purely coincidental.

All of the matters written and shall be written are all fictional.

My Nineteen-Year-Old Daddy

Written by: CaraMariaUna

All Rights Reserved | 2012

***

Chapter 11 – Distance


"Maam Rhian, eto na raw po yung mga papeles na kinakailangan mo regarding dun sa project ninyo." Dali-dali namang inilapag ni Shiela ang dalawang folder sa mesa ni Yanna.


"Si Sir Drei mo?" 


Nitong mga nakaraang araw kasi ay di na niya halos nakakausap o nakikita man lamang si Drei. Sa tuwing meron siyang kinakailangan ay laging ipinadadaan na lamang ito sa kanyang sekretarya.


"Po? Di ko po alam. Binigay lang din naman kasi yan sa akin ni Lian."


"Lian? Sinong Lian?"


"Siya po yung sekretarya ni Sir Drei. May kailangan pa po ba kayo maam?" Nagmamadali rin kasi Shiela. Marami pa kasi siyang naiwan na trabaho na kinakailangan tapusin.


"Wala na. Sige. Salamat."


Di alam ni Yanna kung anong iisipin. Sa pagkakaalam niya kasi ay pumapasok naman daw si Drei. Ngunit nagtataka siya kung bakit madalang nalang niya itong makausap o makita. Pakiramdam niya'y sinasadya na ng binata ang mga nangyayari.


"Shiela, connect me to the office of Mr. Drei Suarez."


"Opo maam. Wait lang po." 


Di na kasi makaya ni Yanna ang mga tanong na bumabagabag sa ulo niya. Nais niyang malaman kung bakit nagkakaganoon na lamang si Drei.


"Hello? Mr. Suarez office." sabi ng isang babae sa kabilang linya. Naisip ni Yanna, ito na siguro yung sinasabi ni Shiela na si Lian, sekretarya ni Drei.


"Lian right? This is Ms. Rhian Santos of architectural department. I want to talk to Mr. Suarez regarding the project. Urgent matter lang."


"Po? Eh, pasensya na po kayo. Meron pa po kasing kausap si Sir Drei ngayon at di daw po siya pwedeng disturbohin."


"Ganun ba? Oh sige. Pakisabi nalang na kailangan ko siyang maka-usap as soon as possible."


"Sige po maam." Pagkatapos nun ay ibinaba na lamang ni Yanna ang telepono. Wala rin naman siyang magawa dahil busy daw si Drei at di niya ito maaaring kausapin.


Matapos ang halos 4 na oras na naisipan na naman niyang tawagan ang office ni Drei. Impossible naman kasi na di pa rin natatapos ang pag-uusap ni Drei at nung kausap niya kanina. Kaya naisip niya, marahil ay nakalimutan lamang ng sekretarya ni Drei ang pakiusap niya kanina.


"Lian? May kausap pa ba ang Sir Drei mo?"


"Po? Sino po ba to?"


"This is Ms. Rhian Santos again. I just thought nakalimutan mo kaya pinapaalala ko lang na kailangan naming mag-usap as soon as possible."


"Eh kasi po, di pa po siya tapos eh. Tsaka sinabihan ko na po siya. Sabi niya, it can wait naman daw. Pasensya na po kayo maam. Bayaan niyo, sasabihan ko nalang po siya ulit."


"No need. My god, ang tagal naman nilang mag-usap ha. Sige, I'll just figure this out myself. And please tell Drei that don't he dare forget to set things straight. Kailangan niya akong tulungan dito hindi yung nakikipag-tsismisan lang siya diyan."


"Opo. Sasabihin ko po yan maam. I'm really sorry."


Sobrang nagtataka na talaga si Yanna sa mga ikinikilos ni Drei. Tila iniiwasan kasi siya gayong siya naman mismo ang nagsabi noon na ng una nilang matanggap ang project na magkakasama sila halos araw-araw at di naman ganuon ang mga ikinikilos ng binata.


"Arrrggghhhh! That's it, I'm going!" 


Sumasakit na ang ulo ni Yanna kakaisip ng mga posibilidad na rason kung bakit nagkakaganoon na lamang si Drei kaya napagdesisyunan niyang pupuntahan na lamang niya ito.


Nagtataka naman ang sekretarya niyang si Shiela kung bakit lumabas ang boss nitong si Rhian samantalanang di naman niya iyon ginagawa. 


"Maam, san po kayo pupunta?"


"I'm going to Mr. Drei Suarez's Office. I'll be back right after. Huwag na huwag kang magpapapasok ng kahit na sino sa opisina ko."


"Yes maam." sagot naman ni Shiela at muli ay itunugon ay atensyon nito sa mga papeles na kanyang tinatapos.


Samantala, papaalis na rin si Drei sa kanyang opisina kasama ang kausap nito para naman sila ay makapag-lunch. At sakto naman ang pagdating ni Yanna na nabigla sa nadatnan niya. May kausap na babae si Drei at nagtatawanan pa silang dalawa.







"Ate?"


---

A/N: Ayan ha, nakapag-update ako. Pahirapan talaga yang update na yan. Bakit? Kais actually, ang update na ito ay nabuo ko habang ako'y nakaupo sa lapag ng NAIA airport kasama ang isang classmate ko at teacher na kasama ko sa conference. Ngayon alam ko na kung anong pakiramdam ng isang pulubi na pinagtitinginan ng halos lahat ng tao na napapadaan. Grabe, nakakahiya! Anyway, balik tayo sa story. Nuh masasabi niyo sa iwas drama ni Drei? Hahaha. Natatawa ako. Kasi para siyang babaeng nag-iinarte. Sus, huwag naman. Ang gwapo kaya ni Drei, mapagmahal pa. Oh diba, palaki ng palaki ang MNYOD family. Dahil may madadagdag na naman na isang tauhan sa story at dahil diyan, palakpakan! :)))) Uie guys, seryoso na. Please pray for me at yung kasama ko na sana maka-survive kami. Keep on supporting MY NINETEEN-YEAR-OLD-DADDY. I love you all. Mwah mwah :

Love, CMU (^_^)

My Nineteen-Year-Old Daddy - [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon