This is an original story.
People, places or events that are similar to others are purely coincidental.
All of the matters written and shall be written are all fictional.
My Nineteen-Year-Old Daddy
Written by: CaraMariaUna
All Rights Reserved | 2012
***
Chapter 2 – Mommy and Daddy in Quiz Bee
"Good morning daddy!"
Nagbabasa ng dyaryo si Drei ng mga oras na yun. Nagulat siya at bigla nalang sumulpot si Andy.
"Oh baby, ang aga mo naman ata nagising?"
"Di naman po. Okay lang. Pero daddy, di po ba kayo papasok sa work?"
"Hindi. Di muna papasok si daddy."
Nang marinig ni Andy ang sinabi ng ama ay agad itong lumapit at ngumit ng malapad.
"Really daddy? So can we please go to Star City? Please daddy please? I'll be a good girl promise!"
"Sige na nga, pero kiss mo muna si daddy."
Di naman nag-atubili pa si Andy sa request ng ama. *Tsup* Alam din naman niyang di siya nito matatanggihan.
"Punta na tayo daddy! Please?"
"Ok, magbihis ka na dun. Hihintayin kita dito."
"Yehey! Thank you daddy! I love you!" *Tsup*
***
"Andy, anak okay ka lang ba? Di ka ba nasusuka?" sabi ni Drei habang naglalakad-lakad sila sa loob ng Star City.
"Hindi po. Okay lang po ako. Dun naman po tayo daddy!"
"Sige, pero magsabi ka lang sakin ha kung may kailangan ka."
"Yes daddy!"
Huminto muna sila ni Drei sa isang ice cream parlor at bumili ng ice cream.
"Miss, isang ice cream nga."
Pansin ni Drei na ang wagas ng ngiti ng babae pero di niya ito pinansin.
BINABASA MO ANG
My Nineteen-Year-Old Daddy - [Finished]
Teen FictionSa murang edad pa lamang ni Drei na NINETEEN ay meron na siyang apat na taong gulang na anak na si Andy. Maituturing na masaya na siya sa buhay niya ngayon kasama ng anak niya. Pero paano kung may isang taong magbalik mula sa nakaraan niya? How will...