MNYOD [Chapter 12]

71.2K 1K 73
                                    

This is an original story.

People, places or events that are similar to others are purely coincidental.

All of the matters written and shall be written are all fictional.

My Nineteen-Year-Old Daddy

Written by: CaraMariaUna

All Rights Reserved | 2012

***

Chapter 12 –Someone's Back


"Ate?"


Natigilan naman sina Drei at ng kasama niya sa pagtatawanan ng makita si Yanna na humahakbang papalapit sa kanila.


"Angelica!" sabi ng babae at niyakap si Yanna ng mahigpit.


"Ate Gela? Anong ginagawa mo dito?" Nagtataka si Yanna kung anong ginagawa ng kapatid niyang si Gela sa opisina samantalang ang alam niya ay nasa America ito.


"Is it wrong for me to visit my dearly beloved sister?" sagot naman ni Gela na tila nang-aasar sa kapatid niya. Yakap-yakap pa rin niya ito.


Kapatid? Eh kung siya ang binibisita nito, bakit diretso itong pumunta sa opisina ni Drei? Bakit, kapatid ba niya si Drei? 


"Sister? Kelan mo pa naging sister yang si Drei ha?"


"Oh come on Rhian! Siyempre, ikaw ang dinadalaw ko."


"Really? How come you never showed up in front of me? Kung di pa pala ako pumunta ditto, di ko pa malalaman na nandito ka. Kelan ka pa nakauwi?"


"Just now. I was planning to surprise you."


"Surprise me by having lunch with Drei? Ate naman."


Totoo naman kasi ang sinasabi niya. Sabi pa nga ng sekretarya ni Drei ay lalabas siya para mag-lunch kasama ang kakwentuhan nito kanina pa. Kaya paano naman naging surprise para sa kanya ang pagde-date nilang dalawa?


"Oh, are you jealous? I know that you two have history pero di ko alam na naaapektuhan ka pa rin pala. I thought you moved on."


Selos? Siya, nagseselos sa kanilang dalawa? No way! Bakit naman siya magseselos eh ang mahal niya ay si Henry. At isa pa, tapos na ang lahat sa kanila ni Drei. At wala na siyang plano pang balikan pa ito.


"What the hell are you talking about? Ate, just what you've said, I have moved on, period." 


Ibinaling naman agad ni Yanna ang tingin nito kay Drei at di nag-atubiling magsalita.


My Nineteen-Year-Old Daddy - [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon