MNYOD [Chapter 19]

65.4K 1K 161
                                    

Dedicated nga pala ito kay BEBEShiela. Hi Shiela! Eto na ang pinangako kong dedication. Keep on supporting MNYOD. Thanks! Love you. Mwah mwah. :*

*

This is an original story.

People, places or events that are similar to others are purely coincidental.

All of the matters written and shall be written are all fictional.

My Nineteen-Year-Old Daddy

Written by: CaraMariaUna

All Rights Reserved | 2012

***

Chapter 19 – Sudden News



"Bwisit na lalaking yun. Naku, huwag na huwag ko siyang makita-kita ulit kundi tatamaan talaga yun sakin." Sabi ni Anne na tila kinakausap ang sarili. Padabog pa nga ito kung pumasok ng bahay.


"Oh Anne, andiyan ka na pala."


Paano naman kasi niya hindi mapapansin ang pinsan? Ang lakas-lakas ng pagdadabog niya pagtapak na pagtapak pa lang ng bahay at kung kausapin ang sarili ay ang lakas ng boses.


"Oh ba't ganyan ang –"


Wala na. Di na niya natuloy ang sasabihin niya. Pinagsaraduhan lang naman siya ni Anne. At ang lakas pa ng pagkasara. Parang may galit.


"Ano kaya nangyari dun?" tanong ni Drei.


Sino ba namang hindi magtataka sa kinikilos ni Anne? Usually ay masiyahin ito, maingay at joker pero ngayon ay seryosong-seryoso.


"Daddy, is Tita Anne mad at me?" tanong naman ni Andy sa ama. Feeling kasi ni Andy ay galit ang Tita Anne niya sa kanya dahil sa ginawa niya.


Alam ni Drei ay tumatakbo sa isip ni Andy. Syempre anak niya iyon kaya alam niyang iniisip ng bata na siya ang may dahilan kung bakit nagagalit si Anne. 


"No. Pagod lang siguro yun."


"Really?"


"Oo naman. Sige na, wash your hands. We'll eat na."



***



Habang kumakain silang tatlo nina Drei, Andy at Anne ay walang nagkikibuan. Sobrang nakakapanibago. Di naman kasi sila ganoon. Usually ay maingay sila dala na rin sa pagkadaldal ni Anne.


"Tita Anne? Are you mad at me?"


My Nineteen-Year-Old Daddy - [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon