"teka lang.... Harold ano na?!" nanghihina na yung puso ko dahil parang wala akong kakampi sa ginagawa ko.... kumapit ng mahigpit si Andrea sa braso ni Harold habang si Harold naman parang posteng walang ginagawa! pero alam kong nag-iisip sya.. nag iisip sya Lydia!!

"Lydia?!" napatingin ako kay Kya Earl na kung makatingin sakin ay parang hindi makapaniwala sa ginawa ko... na parang nandidiri pa ang tingin sakin...

"Pwede ba ngayon naman wag ka na makialam!!... Nakialam ka na noon pwede bang ngayon wag naman?!!!" galit kong sagot sa kanya pero

"Lydia tigil mo na!" sigaw naman ni Harold sakin O___O

"Ano?!" >.<

"Wag mong pagsalitaan ng ganyan si Kuya" sagot sakin ni Harold

"Wag pagsalitaan?! Ganon?!.... So sa kanila may bawal akong gawin!?... sigawan lang bawal?!!... e yung ilayo ka nila sakin bakit bawal?!.... bakit yung gusto ko hindi binigay?!!! Tapos sigaw lang ganyan na!"

"Lydia"

napatingin naman ako sa pinto... ngayon naman si Mama.... nanghihina na ko...

Hindi na tong lugar na to ang lugar para sakin.....

pakiramdam ko habang tinitignan ko silang lahat.... lahat sila kaaway ko.......

"Pano mo nagawa sakin to Harold"

yan nalang ang tanong na gusto kong sabihin.....

naglakad na ko palabas ng kwartong yun kahit tawag pa ng tawag sakin si Mama...

Ayoko na.....

Lumabas na ko ng bahay na yun.... pero natigilan ako at nilingon ang bahay na yun........

Tapos na nga ba talaga???

Oo.... tapos na.

Wala ng Lydia Principe sa bahay na yan.

~~~~~

Latang lata akong bumaba ng bus... at pagkurap ko ay nakita ko ulit ang senaryo ng pagdating namin dati dito ni Harold...

pinagkaiba lang... wala na masyadong tao sa labas ng mga bahay.... Bumalik nalang ako sa bahay sa probinsya.. kanila Nanay Ines..

Nagsimula na kong maglakad na pilit pinipigilan pumasok sa isip ko yung ala ala namin ni Harold dito... Pero unti unting nararamdaman kong may pumapatak na tubig sa balat ko kaya nagmadali akong tumakbo papunta sa bahay ni Nanay >.<

"Nay Inez!!!! Nay Inez!!" sigaw ko sa bahay para marinig ako ni Nanay.. lumalakas na yung ulan >.<

"Naaay!!!" sigaw ko pa pero napansin klo na na malaki pinagbago ng bahay.. wala na yung mga halaman sa labas tapos madilim na madilim sa bahay...

O___O

di kaya umalis na dito si Nanay???

Biglang may sasakyan na dumaan sa likuran ko at huminto bigla nang makalampas ng kaunti sakin... Maya maya pa may lumabas na isang lalaki at may dalang payong... Namumukaan ko ang katawan nya.. at nang maaninaw ko na ang mukha nya ay 

"Sir Joseph".

"Lydia?" tanong nya sakin habang nakatingin lang sakin.... walang emosyon ang mukha nya pero napaiwas nalang ako ng tingin dahil nasasaktan akong parang ewan... TT____TT

lumingon sya sa bahay... at balik tingin sakin

"Sumama ka muna sakin sa bahay.. wala si Nanay Inez dyan" sabi nya sakin at napatingin ako sa kanya

"Ha?" tanong ko

"Tara.. sumama ka muna" sagot nya pa at tumango nalang ako at naramdaman kong hinawakan nya ko sa likod bilang pag-akay papasok sa sasakyan nya...

Biglang may makapal na telang bumalot sa likod ko at pagtingin ko si Joseph pala ang naglagay.. nilapagan din nya ko ng mug sa harap ko

"Thank you" sabi ko pero nakakaramdam ako ng hiya >.<

biglang narinig kong parang natawa sya kaya napatingin ako sa kanya

"tagal kitang di nakita a" sabi nya habang nakatingin lang sa mug na hawak nya at nagpipigil matawa pero ngumiti nalang ako

"Oo nga e" sagot ko sa kanya at napahinga ako ng malalim

"Madungis ka nanaman nang makita kita" tumingin sya sakin at nangiti naman ako..

"hoy hinde.. di pa naman malakas ang ulan nang dumating ka" sagot ko sa kanya

"kamusta na nga pala pakiramdam mo ngayon? Siguro naman sa loob ng 5 years maayos ka naman" sagot nya sakin

"Nakarating rin ba balita sayo?" tanong ko

"Oo... yung sakit mo noon?"

"Oo"

"Mukha namang di ka nagkasakit e" sagot nya sakin at nangiti naman ako pero biglang naalala ko lang

"Teka.. nasan nga pala si Nanay Inez?" tanong ko sa kanya at biglang sumeryoso ang mukha nya

"Dadalaw ka ba sa kanya?" tanong nya naman sakin

"Hindi.... sa kanya na ko titira.." sagot ko sa kanya na pinipigilan ko lumabas yung pakiramdam na nag-iisa nalang ako -___-

Naisip ko tuloy ang hirap pala maging ampon lang... sa oras na talikuran ka ng umampon sayo.....

Wala ka ng tatakbuhan...

napatingin ako kay Joseph.. Hello?! ang tagal naman kase sumagot >.<

"ano? Nasan si Nanay" tanong ko pa sa kanya

"sa totoo lang wala na si Nay Inez" seryosong sagot nya na di makatingin sakin O___O

"a-ano?" di ako makapaniwala >.< teka... di ko maintindihan

"3 years ng patay si Nay Inez... kaya.. wala ng tao dun sa bahay.... 3 years na" sagot nya sakin at parang...

wala na talaga akong mapupuntahan dahil yung kaisa isang expected ko na kukupkop sakin..

WALA NA RIN :(

di pa man din napipikit yun mata ko naiyak na agad ako at napayuko nalang TT___TT hinang hina na talaga ako.... di ko na alam kung pano pa iiiyak tong nararamdaman ko para kay nanay Inez..

Biglang naramdaman kong may dumamping braso sa balikat ko at si Joseph pala

"Hinde.. wag mo ko intindihin" sagot ko sa kanya at inalis nya ang kamay nya

"sorry" sagot nya naman sakin at tumango nalang ako at tumabi nalang sya sakin habang iyak lang ako ng iyak TT____TT

tahimik lang kaming tulalan nakaupo dito.... di parin ako makamove on ng kaunti pero kumalma na ko...

"Di ka na ba umalis dito ng 5 years?" tanong ko sa kanya na nakabasag ng katahimikan namin at napatingin ako sa knya pero -__________-

tulog na pala sa tabi ko...

nadismaya ako ng kaunti at iiwas ko na sana ang tingin ko sa mukha nya habang tulog pero nilingon ko parin ang mukha nya na nakasandal sa sandalan ng inuupuan namin at nakapikit...

Anong buhay nga kaya ang meron si Joseph???

~~~~~~~~~~~~~~

To Be Continue...

SORRY MAIKLI..XD 

UnconditionalWhere stories live. Discover now